MAITUTURING NA matagumpay ang manhunt operations ng pinagsanib na puwersa ng NBI at pulisya following the arrest of Cedric Lee along with Zimmer Raz bago makapananghali nitong Sabado sa bayan ng Oras sa Eastern Samar.
Nagtangka pa raw munang tumakas ang tandem mula sa isang beach resort sa Dolores, isa ring bayan sa nasabing lalawigan. However, natimbog na sila.
Congratulations are in order sa mga law enforcement agencies—led by the DOJ—for a job “half-well done” dahil ang mga tatlo pang tinutugis ng mga awtoridad na sina Deniece Cornejo, Jed Fernandez at Ferdinand Guerrero are still at large.
Matatandaang pormal na isinampa ni Vhong Navarro sa DOJ ang reklamong serious illegal detention noong April 10. Exactly a week ago, April 21, nang ipag-utos na ng naturang kagawaran sa NBI na arestuhin ang mga ito sa bisa ng warrants of arrest.
BEING THE respected, dauntless print and broadcast journalist that he is, ipinagkakatiwala ng ilang highly placed source kay Mr. Tony Calvento ang ilang maseselang impormasyon kaugnay ng whereabouts nina Deniece, Cedric at iba pa nitong mga kasamahan.
In his latest post on Facebook, ibinunyag ni Calvento na narito pa sa bansa ang grupo, moving from one place to another. Also, an informant whom he describes as “very reliable” has tipped off na ginagawang tulugan ng grupo ang kani-kanilang mga sasakyan.
Yes, as in bedroom on wheels!
To elude arrest, hindi nga naman maaaring mag-check in ang grupo sa mga hotel lest they get recognized. Remember the man who killed his wife and stepson na isinilid niya sa trunk ng kotse, hindi ba’t somewhere in Laguna naganap ang krimen but the suspect was caught at a hotel in far North?
Samantala, personal naming tinawagan si Sir Tony, tamang-tama namang patapos na ang kanyang radio program sa DWIZ. Much as he wanted to grant Startalk an interview, hangga’t maaari raw, no part in the interview shall be edited.
Nauunawaan namin ang posisyon ng mamamahayag, kaya naman kahapon sa Startalk, we settled for a live phone patch interview.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III