PINAGKAGULUHAN SI ZAIJAN “Santino” Jaramilla sa suprise party kina Tita Cory Vidanes at Linggit Tan (bagong Channel Head at Entertainment Head ng ABS-CBN na ginanap sa Arezi Resto noong Miyerkules.
Hindi mga fans ang nabulabog ng bagong child wonder, kundi mga managers ng mga sikat na artistang tulad nina Aga Muhlach, Susan Roces, Cecar Montano, Niña Jose, among others; mga malalaking artista din ng Kapamilya station, tulad nina Comedy King Dolphy, Gloria Romero, Piolo Pascual, Shaina Magdayao, John Prats, Karylle, Christian Bautista, Gary Valenciano, Kim Chui (sans Gerald Anderson), Ronnie Liang; kasama pa ang ibang executives tulad nina Madam Malou, Chit Guerrero, Millete Santos, Cynthia Jordan, Dagang Vilbar, Loren Dyogi, Cathy Ochoa, Krissy Baluyot, Mariole Alberto, Mr. M; among others at sangkatutak pang iba.
Hindi matapos-tapos ang pakikipag-picture-taking nila sa bida ng May Bukas Pa na si Santino, este, Zaijan pala. Nanlalaki naman ang mga mata ng bata. Halos hindi siya makapaniwala sa mga pangyayari. Actually, hindi makalapit ang inyong lingkod kay Zaijan dahil naawa akong baka maipit siya ng mga dumudumog sa kanya. Kalinggit palang talaga ng batang ito. Kailangan pa siyang buhatin ng PR Head na si Bong Osorio para mailapit sa lahat ng gustong makipag-picture-taking sa kanya.
Wala nang makapipigil pa sa pagsikat ng “Bagong Child Wonder.”
MAYAYABANGAN KAYO KAY Gretchen Barretto kung hindi n’yo siya kilala. After the presscon for her Complicated album, nahirapan ang inyong lingkod na ipagtanggol siya sa kanyang mga detractors.
Tulad ng kanyang pahayag na bata pa siya, natuto na siyang mag-trabaho. “I was 12 years old then nang pumirma ako ng contract sa Regal Films. I had to work instead of play. Hindi naman ako pinilit ng parents kong mag-artista. Ako mismo ang nag-deprive sa sarili ko na i-enjoy ang aking kabataan.
“When I reached 18, I decided to go bold, alam n’yo ‘yan, para maka-survive. Alam n’yo rin ang istorya ng buhay ko nang mga panahong iyon. Wala akong itinatago. May life became an open book. I’m so thankful that my friends, especially from the press allowed me not to dwell on it lagi. Mas gusto nilang alamin kung ano ang dahilan kung bakit sinasabing “complicated” ang buhay ko ngayon. Hayan tuloy, nakagawa ako ng album na siyang nagsasalita para sa akin.
Yes, I have experience bliss in finding the true meaning of love and excruciating pain… extreme loneliness in the absence of love.”
Some of these reveals in the songs Don’t Say Goodbye, Special Memory, Memories, The Trouble with Hello is Goodbye, and Ready to Take a Chance Again.
Gretchen doesn’t simply want to feel lonely, despite her beauty and wealth. Out of lineliness pa rin nang i-raffle niya ang two (2) Bulgari rings na suot-suot niya nang gabing iyon. It really made my day, napunta sa akin ang isa. The other one went to Aster Amoyo.
Huwag na kayong magtaka kung bakit ipinagtatanggol ko si Gretchen ngayon.
BULL Chit!
by Chit Ramos