LAST WEEK ay dumagsa ang mga artista sa special audition para sa Amazing Race Philippines, ang bagong international reality show na nakuha ng TV5 ang Pinoy franchise.
Mukhang hindi naman ito ililihim sa press o sa publiko ng TV5 dahil kumalat na rin naman ang chika sa internet via facebook at twitter, lalo’t modern na ngayon ang technology na kahit na anong galaw ng celebrities ay nakabalandra na sa computer at naise-share na ang balita – worldwide.
Sa TV5 offices sa Broadway Centrum sa Aurora Blvd, Quezon City, umapir sa Amazing Race Philippines audition ang celebs na may “ka-tandem”, since ito ang konsepto ng naturang reality show na pagalingan, palakasan, pabilisan sa mga physical challenges.
Kasama ni Rossana Roces ang anak niyang si Onyok, na ang say pa ni Osang ay “parang magkapa-tid” lang silang mag-ina. Ang magkapatid na sina Epy at Ronnie Quizon, gayun din sina KC at Troy Montero.
Pero may mga nag-iisip, expired na kaya ang exclusive contract nina KC at Troy sa Survivor Philippines ng GMA-7 at free na silang sumali sa isa na namang reality show, this time sa Kapa-tid Network?
Kung walang clause na 1 year contract sa GMA not to join the same format of show, eh lusot ang Montero brothers, pero kung meron eh, hindi kaya sila “sumabit” sa Siyete?
Napanood ng sambayanan kung gaano nagalit-napikon itong si KC Montero nang talunin ng isang komedyanteng Bentong for the Survivor grand winner, kaya hindi kaya type ni KC na “gumanti”o ipakitang muli sa mga tao na he got what it takes to be a winner, this time with Amazing Race?
Nandoon din ang magkaibigang Maui Taylor at Gwen Garci na pagko-concert abroad ang mga kasalukuyang raket. Appear rin doon ang mag-asawang Danilo Barrios at Jaycee Parker.
Isa pang ex-Survivor castaway na nandoon ay si John Hall pero hindi pamilyar sa publiko ang partner, ganoon din sina Lander Vera-Perez, Jao Mapa, Kathleen Hermosa, Geoff Taylor, Isabel Granada, beauty queens Janina San Miguel, Danielle Castano – na may individual partners din.
May ongoing audition ang Amazing Race Philippines sa Manila, nagkaroon nga ng open auditions sa SM Mall of Asia concert grounds last week din, at magkakaroon uli anytime soon.
Ito ay pagkatapos ang provincial legs nito like in Davao, at Singaporean ang casting group, European naman umano ang ilan sa mga pasok sa production group.
NOON PA naming nabalitaang gagawin ni Eugene Domingo ang stage version ng Bona, ang award-winning and critically-acclaimed film ng superstar na si Nora Aunor, kung saan gumanap na movie fan si La Aunor ng character ni Phillip Salvador sa pelikula.
At that time, mismong taga-PETA pa (respected local theater group) ang nag-text sa amin, asking for the contact number of Kuya Boy Palma, personal manager of the Superstar, which we readily gave.
Bago pa man umalis for the US, nagkakatawagan na sila ni Kuya Boy and finally met na sila ni Ate Guy, to give her blessings for PETA na gawin ang pang-entabladong version ng said Lino Brocka film, na ididirek naman this time on stage ng batikang stage, TV, and film actor-director na si Soxie Topacio.
“Internal pa ‘yan, mare, wala pa akong go signal,” ang facebook message naman sa amin ni Eugene at that time, kaya wiz pa namin isinulat. Pero ayan at tuloy na nga ang Bona stage version dahil nag-announce na sa media si Eugene.
Ito ay after ng sunud-sunod na victory ng mahusay na komedyana in winning left and right as Best Actress for Ang Babae sa Septic Tank na ang most notable ay ang People’s Choice for Best Actress win nito sa 6th Asian Film Awards na ginanap sa Hong Kong kamakailan.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro