THREE QUOTES BY the ocean and more…
“For the love of my life!” (Referring to Priscilla Meirelles.) Ang hatid na mga salita ng pasasalamat ni John Estrada sa siyang nagbibigay ngayon ng ibayong inspirasyon sa buhay niya. At laking pasasalamat din ni John sa mga kaibigan niyang dahil sa kung mga anong kadahilanan, hindi nakapag-participate sa idinaos na 14th GOMA Cup: A Reunion ni Richard Gomez sa Fairways and Bluewater sa Boracay, gaya nina Vic Sotto, Ogie Alcasid, Anjo Yllana at masasabing mga ‘pro’ na when it comes to golf. Si John ang kumarir sa pagpalo ng golf balls kaya siya ang naging over-all champion at nagtamo ng worth P1.1-M na OMEGA Constellation Double Eagle Co-Axial ‘Mission Hills’ numbered edition na rosegold/rubber na coveted na relo.
“WHAT doesn’t kill me, makes me stronger!” Naka-tattoo ng pahalang sa hita padaan sa kanyang private part hanggag sa kabilang hita ni Geneva Cruz! Kaya sa kanyang one piece na suot, ang mababasa mo lang eh, ang ‘what…’ dahil natatakpan na ang kasunod at ang dulong salita na lang na ‘stronger’ ang makikita.
Sa water sports area naman doon sa Beach Cove ng Fairways, nag-sunbathing si Geneva habang sige sa kalalaro ang teammates niya sa pangununa ni Ernie Lopez kasama sina Reema Changco, Gary Lising, Carla Humphries, Ricky Gallardo, Maxine Eigenmann, Jeena Lopez, at Governor LRay Villafuerte, na nag-third runner-up sa mga naglaban-laban sa water sports tulad ng beach volleyball, water polo at Frisbee. Biro nga ni Wilma Doesnt kay Geneva, may sarili itong mundo. Dahil sa awarding nu’ng last night, pinag-tripan ni Geneva ang paggaya sa mga bartenders na nilalaro-laro ang mga bote ng alak sa kamay nila.
DIUMANO, galit ang mga Sharonians kay Goma, dahil na-quote daw ito at sinabing “Magpapayat muna siya,” nang usisain kung kelan na matutuloy ang muli nilang pagsasama sa pelikula.
“Wala akong sinabing gano’n. Gaga ka, ha?” Sabay kiliti sa kaharap na nagtanong sa kanya nito. “Nagkausap na kami ni Malu (Santos) about it. Dapat ‘yun, November or December. Tapos naging February dapat.
Eh, wala pa naman akong naririnig from them. Ang alam ko, du’n sa muling pagtatrabaho, ang sinabi ko, ‘pag ready na siya. Dahil puno rin ang schedule niya. In the meatime, ako rin nakahanap na ng schedule para sa shoot ko ng Bente with direk Mel Chionglo para sa Sine Direk. Nakunan na ako ng isang araw and I will shoot after na makabalik kami ni Lucy from the US.”
MARAMI ANG NAG-ABANG sa pagkikita nina Jomari Yllana at Martin Nievera, Nadia Montenegro at Gretchen Barretto, pati na ng mga Gutierrezes at ng editor ng PEP na si Joan Maglipon sa nasabing event.
Say ni Goma, “Siguro, nagka-pakiramdaman. Hahaha! O kaya, umiwas na maintriga n’yo! Hahaha! No, but seriously, marami rin ang hindi makaalis sa mga commitment nila, taping or whatever, na importante nilang gawin.”
Ang nakarating, sina Martin, Nadia, Joan, and yes, Raymond Gutierrez was there covering for a magazine kung saan magko-column na raw siya ng mga happenings like the Goma Cup. Buzz went around na sa isa sa magazines ng Summit Publishing nga ba siya magsusulat? Basta ang kinumpirma sa amin ni Raymond, he will be doing the one thing he really loves – ang magsulat.
The Pillar
by Pilar Mateo