DALAWANG MALALAKING pangalan sa movie industry ang bibigyan ng pinakamataas na karangalan sa 31st PMPC Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club sa March 8 (Sunday) sa The Theater at Solaire Hotel, Parañaque City.
Sila ay ang seasoned actress na si Ms. Celia Rodriguez, at ang multi-awarded film and television director na si Direk Maryo J. Delos Reyes.
Si Ms. Celia ang gagawaran ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award, binibigay sa mga batikang artistang may malaking kontribusyon at achivements sa pelikula, dahil sa kanyang kredibilidad bilang isang mahusay na aktres, etc.
Tuwang-tuwa si Manay Celia sa nasabing award niyang tatanggapin, in fact ay nag-imbita pa itong mag-dinner sa Executive Committee ng PMPC Star Awards for Movies bilang pasasalamat, at para makapanayam na rin.
Samantala, si Direk Maryo naman ay gagawaran ng Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award.
Ito ay gawad pagkilala naman sa mga natatanging film practitioners behind the lens, tulad ng direktor, producer, screenwriter, cinematographer, etc.
Ikapitong lifetime awardee pa lamang si Direk Maryo nito, after Mother Lily Monteverde, Marilou Diaz-Abaya, Romy Vitug, Carlo J. Caparas, at nag-tie last year sina Peque Gallaga, at Ricky Lee.
Mula sa PMPC kunsaan vice president ang inyong lingkod, congratulations on your esteemed accolades, Manay Celia and Direk Maryo! Truly deserving!
Mellow Thoughts
by Mell Navarro