Celso Ad Castillo, Ang Batikang Direktor Sumakabilang Buhay Na

NOONG LUNES lamang Nobyember 26, 1:45 ng madaling-araw ay isinugod sa ospital ng Pakil, Laguna si Celso Ad Castillo dahil sa pananakit ng dibdib at binawian na ng buhay dahil sa atake sa puso, diumano sa kum-plikasyon ng kanyang sakit na lung cancer o emphysema. Ang kanyang labi ay kasalukuyang nakaburol sa kanyang bayan sa Sinoloan, Laguna.

Ngunit sino nga ba itong si Celso Ad Castillo? Para sa mga hindi pa lubos na nakaaalam ng kanyang talambuhay, nais ng inyong lingkod na ilarawan siya sa aking canvas. Sayang nga lamang at hindi mismo ko ito naka-one-on-one interview dahil marahil sa kakulangan ng panahon.

Minsan ko na siyang nakita sa CCP na tumangap ng award dahil sa ipinanalo niyang indie film na pinamagatang Diablo.

Malaki ang naging ambag niya sa industriya ng pelikula sa bansa. Tinagurian siyang “prolific” dahil sa gulang na 21, nagsimula na ang kanyang career. Una, bilang isang scriptwriter, na lumaon ay naging aktor din sa mga palabas, at bandang huli naging batikang direktor na kilala natin ngayon bilang isang Celso Ad Castillo.

Hindi naging hadlang ang kayang sakit at pagtanda sa paggawa ng mga pelikula, kundi lalo pa niyang ipinakita ang kanyang interes dito. Bagamat may ilang-ilan na lamang ang mga tunay na pelikula sa ating bansa dahil na rin sa paghina ng industriya nito, ginawa pa niyang makipagsabayan sa indie filmmakers, para maipakita ang kanyang angking galing, pagmamahal at dedikasyon sa kanyang napiling propesyon. Nang kanyang panahon, nauso ang sinasabing wet-look at tinawag na rin na bomba films. Katunayan bago siya binawian ng buhay ay mayroon pa siyang hindi natapos na ginagawang pelikula. Ayon sa pahayag ng batikang direktor, naghahanap pa sana siya ng funding upang matapos ang mga nasabing proyekto. Sa halagang P350,000 ay matatapos na niya ito.

Dagdag pa niya, pare-parehas lang ang indie at ang mga movie production. Nagagawa nga raw niya ito sa maliliit na budget. Bagamat aniya, nagkakaiba lang ang dalawa sa mga gamit na equipments. Nangangarap din siyang mapunta at tangkilikin ng international market ang kanyang mga trabaho.

MGA GINAWANG PELIKULA: Nympha (2003); Virgin People III (2002); Droga, Pagtatapat ng mga Babaeng Addict (1999);    Lihim ni Madonna (1997); Mananayaw (1997); Isla 2 (1996); Virgin People 2 (1996); Kapag Iginuhit ang Hatol ng Puso (1993); Tag-araw, Tag-ulan (1992); Comfort Women: A Cry for Justice (1989); Mga Lihim ng Kalapati (1987); Payaso (1986); Ang Daigdig ay Isang Butil na Luha (1986); Kailan Tama ang Mali (1986); Paradise Inn (1985); Isla (1985); Perfumed Garden (1985); Sampung Ahas ni Eva (1984); Snake Sisters (1984); Dragon’s Quest (1983); Pedro Tunasan (1983); Brown Emmanuelle (1982); Uhaw na Dagat (1981); Totoy Boogie (1980); Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak (1978); Maligno (1977); Sa Dulo ng Kris (1977); Ihalik Mo Ako sa Diyos (1976); Daluyong at Habagat (1976); Tag-ulan sa Tag-araw (1976); Ang Madugong Daigdig ni Salvacion (1975); Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa (1974);    Patayin Mo sa Sindak si Barbara (1974); Ang Mahiwagang Daigdig ni Pedro Penduko (1973); Ato Ti Bondying (1973); Esteban (1973); Ang Alamat (1972); Ang Gangster at Ang Birhen (1972); Santo Domingo (1972); Asidillo (1971); Nympha (1971); The Virgin (1971); Romantiko (1970); Usapang Lalake (1970); Kapwa Walang Pinapanginoon (1968); Barako (1967); Mansanas sa Paraiso (1965); Misyong Mapanganib (1965).

SANA MABIGYAN ito ng parangal ng NCCA at mabigyan ng pansin ng ating pamahalaan. Para sa akin, malaki ang kanyang ambag sa larangan ng pelikula at masasabi nating isa siyang anino ng nakaraan sa ating industriya ng pelikulang Pilipino.

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions e-mail: [email protected]; cp# 0301457621

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: [email protected] and/ or [email protected].

ni Maestro Orobia.

Previous articleInlababo Oras-Oras, Araw-Araw
Next articleVic Sotto at Pauleen Luna, huling nagde-date!

No posts to display