BLIND ITEM: Sa mga TV stations, okay lang na sagutin ng management ang make-up artist ng bida o main kontrabida, lalo na kung merong gustong palutanging character sa artistang ‘yon ang teleserye nito.
Ang hindi kinaya ng isang management, ayon sa isang source, “Ay, tama ba ‘yon? Pati apat na bodyguard na lagi niyang kasama, nasa payroll pa ng management?”
Talaga?
“Ayoko na lang magsalita. Tuklasin mo na lang!”
Dahil ayaw kaming sagutin at pinatutuklas pa sa amin, eh, hindi na muna kami magbibigay ng clue. Kaya KJ muna ang drama namin ngayon.
I’M SURE, NAKASUBAYBAY naman ang TV5 sa mga tweet ni Ruffa Gutierrez. Wala lang, gusto lang naming sabihin sa kanila na dapat silang mag-thank you kay Ruffa, dahil bongga ang hallelujahs ni Ruffing sa TV 5.
‘Yan ang dapat “manahin” ng corporate PR ng TV5, wa ek.
NAGDEKLARA NA SI Ate Cristy Fermin na idedemanda niya ng Libel at Unjust Vexation si Chokoleit bilang sagot sa mga tweets ng komedyante sa kanyang twitter account.
Kung kilala namin si Ate Cristy, ang daling lumambot ng puso niyan. Lapitan mo lang ‘yan, humingi ka ng sorry, okay na ‘yan. Mapapatawad ka na niyan.
Pero kung paninindigan ni Chokoleit ang kanyang mga tweets ay sa korte na nga ang hantong nito.
Na isang malinaw na “hanapbuhay” para sa mga abogado.
Alam n’yo na…
OA NAMAN ‘YUNG ipinarating sa amin ng isang staff ng Ilumina. Kasi, kausap namin ito. Sabi namin, may nagtanong sa amin kumbakit hindi madalas lumabas sa naturang teleserye si Cesar Montano samantalang galing ito ng ABS-CBN, kaya dapat, bongga at maingay ang kanyang paglipat.
Honestly, kahit isang episode kasi, hindi kami nakakapanood ng Ilumina, pero dahil isang Cesar Montano fan ang aming kumare, eh, hinanapan namin ng kasagutan ang tanong nito.
So, sabi ng staff sa amin, “Mama Ogs, puwede namang humaba ang mga eksena ni Buboy, eh. Nasa kanya ‘yon. Pero Mama Ogs, alam mo naman na ‘pag teleserye ang ginagawa mo, kailangan ang maraming oras ng artista para makapag-taping, ‘di ba? Kasi nga, everyday ipinapalabas ‘yan, eh.
“Eh, ang kaso, si Cesar, ‘pag morning ang calltime, after lunch darating. Ang nakakalokah pa, late ka na nga, meron ka pang cut-off time, kaya paano naman namin siya mabibigyan ng maraming eksena?”
So, siyempre, natigalgal kami du’n sa kuwentong ‘yon, ‘di ba? Kaya ‘wag muna natin itong paniwalaan hangga’t hindi natin naririnig ang panig ni Buboy.
‘Wag n’yong kalilimutang makinig sa “Wow! Ang Showbiiiz!’ sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12 nn kasama namin sina Ms. F at Papa Rommel Placente.
Oh My G!
by Ogie Diaz