TAMA LANG nga siguro na huwag nang pangarapin pa ni Cesar Montano na maging Chairman ng Optical Media Board (OMB). Malaking sakit ng ulo at problema lang kasi ang kakaharapin niya kung tatanggapin niya ang nasabing posisyon. Dahil hindi biro ang task na sugpuin ang patuloy sa paglaganap na video at music piracy.
“Meron nga raw akong appointment pero hindi ko pa nakikita,” ana’ng aktor. “Wala pa akong nare-receive na papers. Wala namang tawag sa akin mula sa Office of the President. So, hindi ko alam.
“I don’t know kung tatangapin ko ‘yon. Kasi it was offered to me by the past president (Gloria Arroyo). Hindi ko tinanggap simply because hindi iyon ang kalooban kong gawin. And hindi iyon ang akong talent, eh. Hindi iyon ang aking skill na pigilin ang paglaganap ng piracy.
“Pagdating sa piracy, there are no outside solutions. There are only inside solutions when it come to that. We’re not here to change the country. We’re here to change ourselves. The problem is us.
At saka ‘yong pagiging OMB Chairman is not my cup of tea. Siguro kung iba ang ipagagawa sa akin like the arts o ‘yong culture, baka mag-isip pa akong tanggapin ‘yon. ”
Malalim na problema talaga ang piracy. Na hangga’t may tumatangkilik sa pagbili ng prated CDs and VCDs, magpapatuloy lang ito at hindi talaga masusugpo.
Mas nangingibabaw pa rin kay Cesar ang kagustuhang maging aktibo pa rin sa larangan ng pag-arte. Kagagaling lang niya mula sa Amerika kasama ang asawang si Sunshine Cruz. Bukod sa sandaling bakasyon doon, nakipag-meeting din daw ang aktor sa Weinstein Company, isang American film company para sa isang posibleng international film na kanyang gagawin. Nasa process daw sila ngayon ng pagkakasunduan.
At hindi pa man naipalalabas ang pelikula niyang Hitman, kung saan leading lady niya si Sam Pinto, may panibagong project na naman siyang uumpisahan. Ito ay ang Getting To America, isang pinaghalong drama at comedy film tungkol sa isang Pinoy na gustong makakuha ng US visa.
This March daw nila malamang na simulan ang shooting ng nasabing movie na iku-co-produce ng kanyang CM Films at ng Viva Films. The story will be written by him at ng kaibigan niyang nakabase sa LA.
Sa nakahaing magagandang opportunities kay Cesar ngayon, hindi nga kataka-taka kung mas piliin pa rin niya ang pag-aartista kesa sa pagkakaroon ng posisyon sa isang ahensiya ng gobyerno.
Afterall, acting is what he really love doing. At wala pa siyang mai-encounter na matinding problema at sakit ng ulo.
‘Yun na!
THIRTEEN YEARS na kasal si Alice Dixson sa asawa niyang si Ronnie Miranda. Pero hanggang ngayon, wala pa rin nga silang anak. Nagkakaroon tuloy ng intriga na baka may diperensiya ang aktres kaya hindi mabuntis-buntis.
Sa mga interviews sa kanya, ayaw ni Alice na napag-uusapan pa ang tungkol dito. Pero nabanggit niya recently na posible umano siyang mag-ampon ng bata this year.
Kuwento pa nga niya, “Nagpahula ako. Ang sabi, may darating daw sa akin na grasya. Isang baby girl at aampunin ko raw iyon. This year daw. So tingnan natin before end of the year.”
Sixty percent daw ng mga naging hula kay Alice dati ay nagkakatotoo. Kaya nakakundisyon din umano ang kanyang isip na posible ngang mangyari ang nasabing pag-aampon niya.
May tsismis na on the rocks na ang relasyon ni Alice at ng asawa niya. May mga nag-iisp din na baka nga hiwalay na sila. Pero itinanggi niya ito.
“Hindi totoo ‘yon,” mariing paglilinaw ni Alice. “In fact uuwi ang husband ko rito sa Pilipinas. Dadalaw siya rito.”
Nakatakdang mapanood ulit si Alice sa bagong afternoon series ng TV5 na Isang Dakot Na Luha. Excited ang aktres dito dahil sigurado raw na makaka-relate ang masa at makakagiliwan na subaybayan ito. Kasama niya rito sina Jay Manalo, Glydel Mercado, Danita Paner, Daria Ramirez, Jenny Miller, Edgar Allan Guzman, at Karel Marquez.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan