HUMARAP sa isang digital media conference ang cast, director at producers ng controversial film na Maid In Malacanang nitong Sabaado ng hapon, June 25 at dito ipinahayag ni Cesar Montano na excited siya sa kanyang pagbabalik pelikula at pakikipagtrabaho sa anak niyang si Diego Loyzaga.
Si Cesar ang gaganap ng karakter ni dating pangulong Ferdinand Marcos sa pelikula na magpapakita ng huling tatlong araw ng pamilya Marcos sa Malacanang. Si Diego naman ang gaganap na Bongbong Marcos.
Tanong namin kay Cesar, ano ba ang pakiramdam na nagbabalik siyang muli sa paggawa ng pelikula?
Tugon ng aktor, “It is a great blessing. Napakasaya ko, I’m so excited to work with my son. Finally, magkakatrabaho na kaming dalawa,.”
Isa si Cesar sa magagaling at award-winning aktor ng bansa. Nagkaroon din siya ng mga TV shows sa ABS-CBN at mga pelikula sa Star Cinema.
Ayon sa award-winning actor, hindi niya inakala na gagampanan niya ang katauhan ng dating pangulo ng Pilipinas.
Aniya, “Nakita ko sa paglaki ko si President Ferdinand Marcos. Nandoon din ako during ng pag-alis nila pero hindi pumasok sa aking panaginip o isipan na ako ang gagawa nito, ng pelikulang ito, ng karakter na ito kaya laking pasasalamat.”
Bago ang pandemic ay nakagawa na rin ng isang pelikula si Cesar na nabanggit din niya sa digital mediacon.
“Meron nga akong ginawang pelikula, maipo-promote ko tuloy, The Blood Brothers. Tapos na naming gawin. It’s about the indigenous people. Pero mauuna itong Maid in Malacañang ipalabas.
“I’m so excited na napakaganda po na ito muna ang mauuna, ang Maid in Malacanang bago yung The Blood Brothers,,” pagbabahagi pa ni Cesar.
Para naman kay Diego, excited na natatakot siya sa pagsasama nilang mag-ama sa pelikulang kakasimula pa lang ng syuting pero may playdate na sa huling linggo ng July at ipapalabas sa mga sinehan sa buong bansa.
“This has been a long time coming. I’ve been dying for this moment and I think, everything happens for a reason.
“So siyempre, I’m excited na meron ding konting kaba to be working with my dad. Tulad ng sinabi niya, excited kaming dalawa. At the same time, hindi rin on a small platform kami first na magsasama,” reaksyon naman ng binata.
“We’ll play the late president and the incoming president. Patung-patong yung pressure. It’s not just I’m working with my dad. It’s the first time I’m portraying not just a regular character. I’m playing the role of a very very important man.
“It’s a very big deal. I feel pressured but it’s exciting. If there’s anytime I have given the opportunity to prove myself this would have been the one,” pahayag pa ni Diego.