HINDI ISYU para kay Cesar Montano kahit second choice lang siya para maging leading man ni Maria Ozawa sa MMFF movie na Nilalang. Si Cesar ang pumalit kay Robin Padilla na hindi natuloy gawin ang project dahil sa maselang pagbubuntis noon ni Mariel Rodriguez na nagkaroon din ng miscarriage afterwards.
“Sa akin, it’s really a great honor for me. Kahit na sabihin mo pang pang-100 choice ako rito, I was the one who did the film. Ako pa rin ‘yung nakagawa ng pelikula, eh,” paliwanag agad ng actor.
“Pero sa akin, hindi ‘yon, eh. Kung ilalagay mo ‘yang choice na ‘yan, ‘yang ganyang klaseng trend or pagpili sa abroad o sa Hollywood, hindi eh, ang titingnan pa rin riyan ay kung sino ang gumawa,” dagdag pa niya.
Nagkausap na rin daw sila ni Robin bago niya ginawa ang project. Masaya naman daw ang aktor na siya ang pumalit sa project.
“Yes, nasa Amerika pa nga siya no’n, eh. Actually, sinhare ko kay Direk Pedring ‘yung tinext sa akin ni Robin, eh. Sabi niya (Direk Pedring), ang ganda naman ng tinext sa ‘yo ni Robin. Tuwang-tuwa siya, nakakaiyak nga ‘yung text niya, eh.
“Sabi niya sa akin, ‘Bro, I’m so happy na ikaw ‘yung gagawa, I feel honored na ikaw ‘yung gagawa kapatid. Maraming salamat na tinanggap mo ‘yan.’ Actually, nakakatuwa ‘yung text niya. Eh, matagal ko nang kapatid ‘yang si Robin and he knows my soul also as I know his soul also,” sambit pa niya.
La Boka
by Leo Bukas