LOOKING GOOD si Cesar Montano nang makaharap namin sa launch ng Vegie Max kung saan siya ang endorser ng Nature’s Health Enhancer at Nature’s Way Oil Extract na ginanap kamakailan sa Holiday Inn sa Robinson’s Galleria.
Kasama ni Cesar ang pamangkin niyang newscaster ng Channel 4 na si Isabela Montano na endorser din ng nabanggit na herbal products, ang president ng Vegie Max na sina Mr. Abner Santos, ang president ng Ads-Hub.com na siyang in charge for sales and distribution nito.
Bawal ang personal questions kay Cesar gaya ng tungkol sa lovelife o status nila ng ex-wife ng actor na si Sunshine Cruz. Kaya ang unang naging tanong na lang naming kay Cesar ay kung paano isi-celebrate ang nalalapit na araw ng Pasko.
“Kasi ngayon, nahilig ako sa sports,” aniya. “ Ang dami kong ginagawa ngayon. “I play basketball. I play golf a lot. Ngayon hindi ko alam kung saan ko ilalagay… ang daming tournament, e. At ang daming pa-Christmas party.
“Siguro I’ll celebrate my Christmas like… a series of Christmas parties of friends. Sa dami ng mga kaibigan ko, mga companies and everything, do’n ko isi-celebrate ‘yong Christmas ko.
“And I’ll be celebrating it of course, hindi ko rin makakalimutan with my family. Especially with my mom. My mom is 84 years old na. Ang nanay ko kasi, ngayon nasa wheelchair siya, may edad na rin si nanay at hindi na siya masyadong nakakalakad.”
Hindi lang gaanong visible si Cesar sa mga showbiz functions at event. Pero marami raw siyang pinagkakaabalahan ngayon bukod sa mga sports na nakakahiligan niyang gawin.
“I’m doing several films. Natapos ko na ‘yong Kid Kulafu: The Story Of Manny Pacquiao directed by Paul Soriano. Tungkol ito sa buhay niya before he entered boxing. Ang ngayon sinisimulan ko ‘yong Pangayaw from the book of the same title written by Dio Alfred. More than a year ago, lumapit sa akin ang The 700 Club and they introduced me a book. Sabi nila… baka magustuhan mo ‘yan and make a movie out of it. Binasa ko ‘yong book. And it’s very interesting.
Napakaganda. Kaya ginawan ko ng screenplay. And now I’m starting to do the film. And siguro aabot siya by next year.
“Also meron kaming mga naka-line up na films na I’m doing to direct and produce also. So next year, mas magiging sobrang busy ako.”
Fisr time mag-endorse ni Cesar ng herbal product na gaya ng Vegie Max Nature’s Way Health Enhacer at ng Vegie Max Nature’s Way Oil Extract na pang-tanggal naman ng sajkit sa anumang parte ng katawan.
“Masyado akong maingat kasi kung hindi talaga bagay sa akin ang produkto o hindi ko talaga tini-take, hindi ko ii-endorso,” aniya. “Everything that I endorse, ginagamit ko talaga.”
Gaano katagal bago makita ‘yong magandang effect nito sa katawan at sa kalusugan?
“Depende ‘yan. Like for example, a person na mahilig magpuyat, mahilig uminom ng alak o mag-take ng maraming toxic na… unaware siya. So, it would be difficult for that person na malaman kung ano ‘yong epekto nito. Siyempre pinahihirapan mo ang sarili mo, tinu-torture mo ang sarili mo na kung anu-ano ang gawin tapos biglang magti-take ka nito.
“Kahit na sinong nagti-take ng vitamins na gano’n ang ginagawa. You have to balance everything. You have to know the things that you do na mas makakabuti sa ‘yo before you take it. Gano’n ang ano…
“But sa experience ng iba, it’s very very helpful. ‘Yong outcome, nakikita nang mabilisan. Pero for me, ako kasi wala akong masyadong tini-take na toxic… nalalaman ko kaagad ‘yong epekto. Kasi wala akong tini-take na ano… I watch what I eat, e. Mostly paggising ko, water, e.
“Gano’n muna ako, e. And then I go to the restroom after that, e. Malinis ang sistema ko ngayon, e. And I thank God for that. Kaya eto, madali kong nalalaman e. Meron akong barometer sa sarili ko na may meter sa sistema ko kung ano ‘yong nangyayari sa sistema ko.
“Halimbawa kakain ako, the same food na kinain ko yesterday. Tapos magti-take ako nito at tatakbo ako. Titingnan ko kung ano ‘yong nangyari. Malakas pa rin ba ako o inaantok ba ako. ‘Yong performance ko, nagli-level up, e. When I take it.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan