EXCITED AT masayang-masaya ang magaling na actor na si Cesar Montano dahil bukod sa pagkakapanalo nito for Best Supporting Actor sa 2012 Metro Manila Film Festival Awards Night para sa mahusay nitong pagganap sa El Presidente, ay ang pagkaka-taong makatrabaho nito ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa newest primetime soap ng TV5 na Never Say Goodbye na first drama project din ng Artista Academy Grand Winners na sina Vin Abrenica at Sophie Albert.
Gusto raw ma-experience ni Cesar ang husay sa acting ng award-winning actress. Kuwento pa ni Cesar na noong 9 years old pa lang siya, napanaginipan na niyang makakatrabaho niya ang nag-iisang Superstar na mukhang magkakatotoo na after so many years.
Dagdag pa nito, si Nora rin daw ang paboritong actress ng kanyang ina na bata pa siya ay very vocal ang kanyang mahal na ina sa pagsasabing ang bida ng Thy Womb ang fave actress nito. Kaya naman simula sa pagkabata at maging hanggang ngayon ay dala-dala niya sa kanyang isipan na si Ate Guy ang paborito ng kanyang ina.
KAHIT SABIHIN pang siya ang pinaka mainit at sikat among comedians sa bansa, ayaw raw matawag ni Vice Ganda na next Comedy King dahil nag-iisa lang daw ang hari ng komedya at ‘yun ay walang iba kung hindi ang yumaong Dolphy.
“Hindi puwedeng mangyari ’yun. Ako na mismo ang magsasabi na hindi ako puwedeng maging Comedy King. Dahil si Mang Dolphy ang Comedy King. Walang puwedeng maging susunod na Mang Dolphy,” saad ni Vice Ganda.
Eh, paano kung taumbayan na mismo ang nagsasabi at nagbibigay sa kanya ng nasabing title?
“Ako kasi, bilang respeto na rin sa totoong Comedy King, kawawala lang, may bago na ulit pumalit sa kanya? At saka, hindi, there will only be one Mang Dolphy. Kahit pagbali-baligtarin man natin ang mundo, walang puwedeng sumunod na Mang Dolphy, walang next Mang Dolphy. At kahit ako, ayoko ring maging next Mang Dolphy kasi, mahirap ’yun. Why choose to be the next Mang Dolphy if you can be the first and last Vice Ganda,” he said.
Mas okey raw sa kanyang ang maging “Phenomenal” and “Unkabogable”. Kaysa i-tag siya na comedy king.
“Oo, akin na ’yun. At least, sa akin galing ang salitang unkabogable, ‘di ba? Ako mismo nagpauso. Okay na ako do’n. Pero ‘yung Comedy King, ’wag na.”
Mataas daw ang respeto ni Vice Ganda sa yumaong Comedy King at maging sa ibang mga komedyante raw ay saludo, at may respeto si Vice Ganda, dahil pare-pareho lang naman daw sila ng trabahong ginagawa.
KAPAPANOOD PA lang namin ng Sosy Problems kasama ang aking pinakamamahal na ina na si Mrs. Leonora Fontanilla at pamangkin na si LJ Estillore na walang ginawa kung hindi tumawa nang tumawa, dahil tunay naman talagang nakaaaliw ang nasabing pelikula.
Bagay na bagay kina Bianca King, Heart Evangelista, Solenn Heussaff especially Rhian Ramos na standout among the girls. Bukod sa katatawanang hatid ng Sosy Problems, may aral din ditong matututunan ang mga manonood.
Bagay at promising din ang tambalang Kristoffer Martin at Barbie Forteza na maganda ang chemistry sa screen at puwedeng ipantapat sa tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kung maaalagaan ng GMA 7.
As a whole at ayon na rin sa aming napanood, nakaaaliw, nakababaliw at maganda ang kabuuan ng pelikula.
ISANG PASASALAMAT ang nais naming ipaabot sa mistulang naging Santa Claus sa aming buhay nitong nakaraang Kapaskuhan. Kay Mr. German Moreno, Mam Alice Eduardo, Mama Nene and Aya Talampas, Tita Komi Dela Cruz and Family, Gov. ER Ejercito, Divine Lee, Tina Arevalo, James Aban, Nimfa Ravelo, DJ Joph, Benjamin De Guzman, Cardams, Hammerhead, Ate Kaye and Absy Dacer (Fragrances of the Stars), Ate Marcie Calderon, Cesar Apolinario, UPGRADE, Arnell Ignacio, Mother Ricky Reyes, Gina Damaso and Tita Beth Watson, Ninong Niel, Joven Moreno, Perry Lansigan of PPL Entertainment, Shaun Salvador and Family, Ms. Pheng Santiago and Mama Tess Palado, PMPC Family, Mommy Pinty, Toni and Alex Gonzaga, Kristoffer Martin, Teejay Marquez, Hiro Magalona, Mommy Lorey and Daddy Bonnie Chan, Ms. Sylvia Sanchez and Family, Rhen Escano, Pilar Mateo, Sir Jerry Yap, Sen. Bong Revilla, Showbiz Sosyal Family, Sir Jim Acosta at sa aking pamilya, sa inyong lahat mara-ming-maraming salamat!
John’s Point
by John Fontanilla