Cesar Montano, napanaginipan si Ate Guy!

TINALO NI CESAR Montano si Nyoy Volante bilang Acoustic Artist of the Year sa katatapos na 3rd PMPC Star Awards for Music na ginanap kamakailan sa Ateneo de Manila University theater. Dalawa lang silang nominado sa nasabing kategorya.

“’Yong ma-nominate lang eh, malaking karangalan na sa akin. Pero ‘yong manalo pa eh, talagang sobrang grasya na ito,” ana’ng aktor. “To God be the glory. Ibinabalik ko ang papuri sa Kanya lahat.”

Siyempre pa idini-dedicate daw niya ang napanalunang award sa kanyang misis na si Sunshine Cruz na insipirasyon daw niya.

“Kaya ko nakukuha ‘yung ganito eh, dahil Siya ang lagi kong iniisip. Everytime I paint, everytime I make a movie, or even when I sing or compose a song… Siya ‘yong motivation ko.”

Tuluy-tuloy na raw ang pagi-ging recording artist na rin ni Cesar. Right now, he is working with his 3rd album na.

“May inaayos na kami. May mga composition po akong bago ngayon. At pagkatapos naming i-promote itong 2nd album ko sa Sony, meron na pong kasunod na ikatlo kaagad. Kaya nga excited ako. Acoustic pa rin po ang mga songs.”

Sa pagkikita nila ni Nora Aunor sa Star Awards for Music, pabirong nagpahaging siya na gusto niyang makatrabaho ang aktres.

“Of course! Siya ang nag-iisang Superstar natin dito. Isang panga-rap ‘yan para sa akin. At saka hindi ko pa ito naikukuwento sa kanya… I had a weird dream before when I was nine or ten years old na wala pa sa guni-guni ko na magiging artista ako. Na bakit ako nagkaroon ng panaginip na… nagsu-shooting ako. Guma-gawa ako ng pelikula, nasa

ibabaw ako ng bus, at maraming tao. At ang kasama ko… si Ate Guy. Hindi ko pa alam na magiging artista ako no’ng time na ‘yon. Ewan ko. Dahil siguro nanay ko, Nora ang bukambibig palagi. Noranian kasi ang nanay ko talaga inside and out. Siguro dahil do’n kaya ko napanaginipan iyon. Pero weird. Weird talaga.”

Anong tema naman ng pelikula ang gusto niyang gawin with Nora kung saka-sakali?

“Puwedeng historical film. Basta drama. Kasi Ate Guy is a very very good dramatist. Excellent dramatist. Kaya maganda if it’s a drama movie with her,” sabi pa ni Cesar.

BUKAS NA ANG first anniversary celebration ng Wil Time Bigtime na gaganapin sa Smart Araneta  Coliseum. 4 p.m. ang takdang simula nito pero as early as 6 a.m.  ay  inaasahang naroon na ang mga suwerteng nakakuha ng ticket para mapanood ito nang live.

Understandable kung bakit excited ang lahat na makapasok sa Araneta. Guaranteed kasi na bawat isa, meron nang loot bag na may lamang 5 kilong bigas, mga de lata at kung anu-ano panggaling sa mga sponsors ng show.

Tapos, may tsansa ka pang manalo ng malalaking papremyo na ipapa-raffle para sa mga naroon sa Araneta. Sa mga manonood lang sa telebisyon sa kani-kanilang taha-nan, may chance din silang manalo ng gano’n kalalaking prizes din.

Sa history ng Philippine television, tanging ang Wil Time Bigtime pa lang ang may ganyang record ng pinakamalalaking prizes na puwede maipamigay ng isang game show.

Maganda kung mapapantayan ito ng iba pang game shows para waging-wagi ang mga tumututok sa panonood.

Tama!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleArnell Ignacio, inuulan na naman ng death threats sa text!
Next articleSarah Geronimo, hindi takot kay Angeline Quinto!

No posts to display