NAGSIMULA NA ang kampanya ng eleksyon noong Martes.
Aligaga ang mga kandidato sa pagka-senador at partylist sa kani-kanila mga schedule at gimik para sa tatlong buwan na allotted sa kanilang pangangampanya. Sa harap ng telebisyon, bumulaga ang isang mukhang familiar sa amin.
Yes, kumakandidato ang dating mister ng aktres na si Dina Bonnevie na si Ricardo Pengson.
Sabi ko nga ba’t noong una kong nakita ang mukha niya at biglang nagpaparamdam, siya na nga at walang iba na ex-husband ni Dina. Ang tawag ng aktres sa dating mister ay Dick na kung hindi kami nagkakamali, hindi naging maganda ang hiwalayan nila noon.
Nakilala pa nga namin in person si Dick nang minsang bitbit siya ni Dina na host namin during that time sa showbiz show ng RPN 9 na Actually ‘Yun Na! kung saan baguhan pa lang si Arnell Ignacio nu’n na co-host ni Dina.
Mula nang mag-split sila ng aktres, biglang naglaho ang pangalan ni lalaki. Mula nang mag-split sila ng aktres, never na napag-usapan si Dick at ngayon na lang.
Sabi ng kasamahan namin na si Pilar Mateo, issue on violence against women (na ayaw for sure ng Gabriela) ang isa diumano sa mga rason ng split-up nila ni Dina. Pero during that time, love na love ni Dina si Dick.
Ang Partidong UNA, nagbigay na rin ng ultimatum kina Chiz Escudero, Grace Poe-Lamanzares at Riza Hontiveros.
Kung hindi sila sisipot sa mga kampanya ng partido, malamang sa hindi sa lenguwaheng showbiz, matsu-tsugi na ang tatlo sa grupo nila.
Kung bakit naman kasi ayaw pumili ng mga ito kung kakampi nino ay kung para sila kanino.
Mahirap ang mamangka sa dalawang ilog. Mahirap ang mataguriang balimbing kesehodang guest candidate man ang itawag sa iyo at ang suporta ng partido na nakukuha mo ay mula sa dalawang kampo na magkatunggali.
Mabuti pa ang showbiz, kahit papaano may stand ang mga artista. May kanya-kanyang TV network identified. Bawal ang cross-over hangga’t naka-kontrata ka sa kanila.
Si John Lloyd Cruz tatak Kapamilya Network. Si Dingdong Dantes, kilala na homegrown talent ng Kapuso Network kahit may balita na hindi na ito magre-renew sa GMA at lilipat na sa ABS-CBN at si Nora Aunor naman ay tatak-Kapatid ng TV 5.
Ang mga politiko talaga, ang mga ugali, hindi mo sila seseryosohin. Daig pa ang mga taga-showbiz.
SA TINGIN ko, dapat diretsahan nang sabihin ni Cesar Montano na ang pelikulang pinu-promote niya tungkol sa buhay ni Manila Mayor Fred Lim ay campaign propaganda. Kaya pala minadali ang pagtatapos ng pelikula para maipalabas kaagad para makahatak ng boto para sa incumbent Mayor.
‘Yun nga lang, paano kung sumemplang sa box-office ang pelikula, sino ang sisihin? Si Cesar na artista lang sa pelikula o si Mayor na hindi na mabango ang pangalan sa mga taga-Manila?
Now pa lang, linawin na ng aktor dahil makaaapekto ito sa kanyang career. ‘Pag nagkataon at nilangaw ang pelikula, may negative impact ito sa career ni Buboy na ang last movie niya sa Viva ay hindi naging maganda ang box-office result.
And in case semplang sa kita ang obra, senyales nga lang marahil ito na hindi na love ng mga taga-Manila ang Dirty Harry nila at si Cesar naman baka ay mag-concentrate na lang sa telebisyon with his new teleserye with Nora Aunor sa Kapatid Network airing very soon.
On the personal note, tila totoo na nga yata ang tsismis na hiwalay na sina Cesar at ang misis niyang si Sunshine Cruz.
Statement ni Sunshine, “I want space” pertaining sa relasyon nila ng mister niya.
Mula nang sumambulat ang balita tungkol sa sinasabing “other woman” ng aktor na si Krista Miller, nagkasunud-sunod na ang dagok sa relasyon ni Cesar sa misis.
As of presstime, naghahanap na ng bahay na malilipatan si Sunshine kung saan makakasama niya ang tatlo nilang anak na babae.
To sustain a life as a single mother (ngayon na pursigido na si Sunshine na makipaghiwalay legally at nakipag-usap na siya sa abogado); nagsimula na ang negosasyon ni Tito Alfie Lorenzo (manager ni Sunshine) sa Kapamilya Network for a new teleserye.
Kahit hiwalay, hindi naman siguro pababayaan ni Buboy ang kanyang mga anak na suportahan ito sa kanilang mga pag-aaral.
We know Cesar bilang isang responsableng ama.
Reyted K
By RK VillaCorta