“Diego was a revelation!”
Ito ang papuri ni Cesar Montano sa ipinakitang acting ng anak niyang si Diego Loyzaga na gumanap bilang Bongbong Marcos sa pelikulang Maid In Malacanang na palabas na ngayon sa mga sinehan.
Ayon pa kay Cesar, bumilib siya sa anak na unang beses pa lang niyang nakatrabaho sa isang proyekto.
“Magaling ‘to. Magaling ding umiyak. Magaling. Sabi ko, ‘Aba,!’” proud pang pahayag ni Cesar.
“Isa sa favorite scene ko sa pelikula yung sa amin ni Diego. It was very challenging for me kasi masikip lang yung lugar and yung galaw namin limitado lang and 17 to 20 minutes nag-uusap kami, ang haba,” lahad pa ng award-winning actor na gumanap naman ng karakter ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
As expected, puring-puri rin ng direktor ng MIM na si Darryl Yap ang performance ni Cesar. Karamihan daw sa mga eksena nito sa pelikula ay puro take one.
Sabi naman ni Cesar, malaking karangalan para sa kanya ang pagkatiwalaan ng ganung klaseng role sa pelikula.
“Nakakatuwa po and it’s a great honor for me para maging part ng pelikulang ito. I was just given a very short time para mag-prepare at isa yan sa challenges na hinarap natin.
“Noong ibinigay sa akin ang script, honest to goodness, maganda talaga ang script e, wala akong masabi lahat nandoon na, eh. Patatawanin ka, paluluhain ka, mai-inspire ka. Ang ganda ng script wala akong masabi. Ganu’n kagaling si Direk Darryl.
“Kaya talagang bumilib ako sa kanya, kasi ang bata-bata niya, pero ang lawak ng takbo ng isip niya. Tapos yung attitude niya towards work, hanep din. Napakasarap niyang katrabaho,” pahayag pa ni Cesar.
Samantala kasama sa cast ng MIM sina Ruffa Gutierrez as former First Lady Imelda Romualdez Marcos, Christine Reyes bilang si Imee Marcos, at Ella Cruz na gaganap bilang Irene Marcos.