MATUTUWA ANG loyal fans ng award-winning actor na si Cesar Montano dahil tuloy na ang shooting ng kanilang idolo para sa Nilalang, na dapat sana ay si Robin Padilla ang bida.
Ilang taon na rin kasi nating “nami-miss” sa big screen ang isang Cesar Montano sa isang lead role. Ang natatandaan pa naming last films niyang lead siya ay ‘yung biopic of Alfredo Lim at ‘yung Hitman ng Viva Films, around 2-3 years ago, or more?
Hindi matatawaran ang husay ni Buboy sa mga ganitong klase ng tema ng pelikula tulad ng Nilalang na suspense-action-drama.
Noong August 29 dapat ang first shooting day ng pelikulang ito ni Direk Pedring Lopez, sa Escolta, Manila. Pero dahil may inaayos pa ang produksiyon, ang next target first shooting day ay sa Sabado, September 5.
It will be recalled na ang orig actor ay si Robin nga, pero nang magbuntis nang triplets ang asawa nitong si Mariel Rodriguez, pinili ni Binoe na mag-beg off dahil sensitibo ang lagay ng misis – pero ilang linggo ang lumipas ay nakunan din si Mariel.
Dahil swak na sa MMFF ang pelikula at naniniwala ang produksiyon sa tema nito, kinailangang maghanap sila ng kapalit ni Robin – at si Cesar nga ‘yun, na ayon sa aming informant, una pa lang nai-offer kay Cesar ang role ay nagustuhan na niya ito.
Approved na rin ng MMFF Committee ang partisipasyon ni Cesar as lead actor ng nasabing film, kung saan leading lady nito ang Japanese porn star na si Maria Ozawa.
Ang iba pang nasa cast ng Nilalang ay sina Meg Imperial, Cholo Barretto, Dido Dela Paz, at Kiko Matos.
May hinahabol na deadline ang production for MMFF submission, bukod pa sa Sept 13-23 lamang ang ibinigay ni Maria na availability niya to shoot, since Japan-based ito.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro