C’est Magnifique!

KAYO NAMAN. Off-limits na tayo sa love life ni Pa-ngulong Noynoy. Under Article 2 ng Konstitusyon, he’s entitled to privacy. Pinakiusap niya ito ‘sang ambush interview kamakailan.

Subalit laging kumakati ‘tong panulat ko. At laging may pakpak ang balita. ‘Yong kanyang latest apple of the eye ay isang Korean-Pinoy, Grace Lee. TV host. Intelligent at may dating. Swept off his feet daw ang 52-anyos bachelor-president. Si P-Noy mismo, kamakailan ay nagpahayag na “they are already dating”. Romance is already in the air. Well…

Subalit maraming salbahe na, tsismoso at intrigero pa. Napabalitang si Miss Grace diumano ay ex-girlfriend ng isang dating Cabinet member ni Pangulong GMA. Bago siya, si Miss Grace ay ex-girlfriend for 4 years ng ‘sang Korean national. Nabasa ko ito kamakailan sa column ni dating Sen. Ernie Maceda sa Phil. Star. Ewan kung saan niya nakalap ang tsismis. Totoo ba?

From reports, tunay na kilig-to-the-bones si Miss Grace. Sa ‘sang interview, kaliwa’t kanan ang papu-ri niya sa Pangulo. Tila ga-bundok na diamond ang kislap ng kanyang mata. Kanyang pisngi ay mala-makopa ang pula sa excitement. Ganyan din ‘ata ang Pangulo. I think this time it’s for real. A first lady in Malacañang?

May konting payo ako kay Miss Grace. Ipreno ang bibig. Napabalitang siya raw ay inalok ni P-Noy ng PSG guard na kanyang tinanggihan. Mapapahamak si P-Noy kung totoo. Baka namamayaning galit ng publiko kay Sec. Ronald Llamas ay mapunta sa kanya. Relax lang.

Kung ano’t ano man, happy ako para kay P-Noy. Kailangan niya ng katulong na inspirasyon para mapabuti pa niya ang pagpapatakbo ng bayan. Kung si Miss Grace man o sino, hinog na siya sa pagpa-pamilya.

C’est Magnifique!

SAMUT-SAMOT

 

SAAN NA ang direksyon anti-illegal recruitment drive? ‘Di na mabibilang na mga OFWs ang naging kalunus-lunos na biktima ng mga sindikato. Lalong lumubha ang problema sa sunud-sunod na conflict sa Middle East na nangangailangan ng repatriation ng OFWs. Ang illegal recruitment ay kasama sa heinous crimes. Non-bailable at capital punishment ang parusa. Subalit ningas-kugon at on-off ang drive laban sa mga sindikato.

KAPALARAN NGA naman. Isang pedicab driver sa Zambales ang ibinili ng lotto ticket ang P20 na pambili ng gatas sa bunsong anak. Pinag-awayan ito ng mag-asawa. Ang ticket ay nanalo kamakailan ng P25-M, ¼ ng total premyo ng naturang draw. Instant milyunaryo sila. At ngayon siguradong tigil na ang away nila.

BINALITA RING si Miss Grace ay 3-4 oras silang mag-usap araw-araw ng Pangulo. Aba, makonsumo sa presidential official hours ‘yun.

TAMA LANG na magalit si P-Noy sa pasimuno ng hoax texts tungkol sa mga disasters. Naulit ito kamakailan nang tinamaan ng intensity 7 na lindol ang Negros Oriental na ikinamatay ng mahigit na 100 tao. Pagkatapos ng lindol, umulan ng hoax text na nagbabala ng impending tsunami na nagpa-panic muli sa mga tao. Morbid practice ito ng walang magawang tao. Sa panahon ng kalamidad, dapat umiral sa atin ang diwa ng bayanihan. Sa mga sunud-sunod na kalamidad sa bansa, lalong napatunayan ang pagka-inutil ng national at local government units sa mga biktima. Buti na lang, alerto ang pribadong sektor sa pagsaklolo at pagtulong.

GOVERNMENT AGENTS recently raided Hingyak Seafood Restaurant in Pasay City and seized 4.25 kilograms of wildlife derivatives including snake skin, snake meat and soft-shelled turtles. Charges would be filed against the restaurant for violating the Wildlife Act. This drive should be sustained and intensified. The environment and its inhabitants should be protected and preserved. There are already so many endangered species in our midst. These animals and plants are needed in promoting sound ecology.

CONGRATULATIONS TO Dr. Prudencio “Jun” Reyes, Jr. on his recent appointment as Deputy Commissioner for the Bureau of Customs (BoC) Assessment Operations Coordinating Group. Personal kong kakilala si Jun way back panahon ni dating VP Doy Laurel. He served as LWUA Administrator during Erap’s time. He’s a conscientious and honest public servant. He’s a solid asset to the BoC. Cheers!

DECRIMINALIZE LIBEL. Pinanukala ni Sen. Jinggoy Estrada sa Senate Bill 839. Sang-ayon ako rito. While freedom of expression is not absolute, there are other safeguards – other than a criminal case – that can prevent its abuse. Obsolete na ang libel sa maraming advanced countries. Press freedom is a pillar in our constitutional democracy. ‘Di dapat busalan ang mga mamamahayag sa kanilang conviction at pananaw. Kudos to Jinggoy!

SALAMAT KAY veteran DWIZ newscaster and my long time friend, Ely Aligora sa pagtalakay niya sa ilang bahagi ng aking Pinoy Parazzi column kamakailan. Wika niya, galing daw sa puso ang aking isinulat. Matagal na kaming magkaibigan ni Ely way back nu’ng panahon ni dating VP Doy Laurel.  Napakabait na nilikha, patas, conscientious at tapat na mamamahayag. Simpleng tao lamang at kahit sa taas ng tungkulin sa DWIZ, ‘di nagbabago ng ugaling mapagkumbaba. Mabuhay ka, Ely!

NAKAPUNTOS SI Pangulong Noynoy sa pagpunta niya sa Negros Oriental para makiramay sa biktima ng lindol sa okasyon ng kanyang ika-52 kaarawan. Malaking konsolasyon ang dalaw at personal na inspeksyon sa damages ng kalamidad. Nung binagyo ang Cagayan de Oro at Iligan, ‘di agad siya nakapunta at katakut-takot ang batikos. This means now he’s feet is already on the ground and his ears sensitive to pulic sentiments. Mababaw ang kaligayahan ng Pinoy. Ang pakikiramay at agad-agad na pagtulong ay kurot sa puso nila.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleCollectors ng DILG at Salvaging sa Maynila
Next articleKabataang Salot sa lipunan!

No posts to display