KASALUKUYANG NASA New York, USA ngayon ang mga artistang Pinoy na sina Arnold Reyes, character actor Leon Miguel, at child actress na si Ella Guevara (kasama ang ama nitong si Dennis Guevara) dahil imbitado sa ongoing na Tribeca Film Festival 2012 (with Robert de Niro as one of its founders) ang Pinoy film na Graceland: A Life For Every Lie, para sa world premiere nito.
Proud Pinoy rin ang director ng pelikula na si Ron Morales, na naka-base sa New York. In fact, sa nasabing premiere, sa loob ng kanyang blazer ay naka-T-shirt ito na may bandila ng Pilipinas.
Ang Graceland ay pelikulang tungkol sa isang batang maki-kidnap (played by Ella) at umiikot sa kuwento ng child prostitution. Si Arnold ay gumaganap na driver ng pamilya, at main villain naman dito si Leon na ilang taon na rin sa industry playing character roles.
Bago pa man umalis ng bansa ay walang pagsidlan ng kagalakan si Leon, saying na first time niyang tumapak sa Amerika at “bonus” pa ang pinagkaloob sa kanya ng US Embassy dahil “multiple visa” ang na-grant sa kanya!
Ganoon na lang ka-proud and excited ang cast. April 18 sila lumipad mula ‘Pinas to NY, at updated kami sa mga happenings ng Graceland group dahil sa Facebook updates nina Leon at ang dad ni Ella na si Dennis.
April 20 ang unang screening sa AMC Loews Village 7 sa 66 3rd Avenue, 11th Street; sinundan noong April 21 sa Clearview Cinemas Chelsea 4 sa 260 West 23rd Street Between 7th & 8th Avenues. Both screenings ay “sold out” umano ang tickets, “umaariba” ang word of mouth sa ganda ng pelikula.
Last screening ng Graceland ay this Saturday, April 28, 12:45 pm, sa Clearview Cinemas Chelsea 8, in 260 West 23rd Street, Between 7th & 8th Avenues,New York.
MAGANDANG INSPIRASYON si Leon Miguel sa ibang artistang Pinoy, kahit na “character roles” lamang ang kanyang ginagampanan.
Tubong Masbate City (Bicol) si Leon na aminadong laki sa hirap, nakapag-aral ng kursong Engineering, pero through the years, nakita na lang ng long-hair character actor ang kanyang sarili na lumalabas sa international films shot in the Philippines.
Ang American movies na ito ay ang In The Name of the Queen (1996), Behind Enemy Lines (1998), Legacy (1998) with David Hasselhoff, Going Back (2000), Disarmed/ Special Ops (2008), Subject I Love You (2008) with Jericho Rosales.
Bukod pa ito sa Japanese at Italian films. Sabi nga, “exotic” kasi ang looks ni Leon sa mga banyaga, kaya “mabili” ito sa casting calls.
Taong 1993 pa lang ay lumalabas na sa pelikulang Pinoy si Leon, with Bulag Pipi At Bingi as his first local film, and the rest is history, ‘ika nga.
Pasok rin siya sa upcoming movies na Captive ng 2009 Cannes Best Director Brillante Mendoza, at sa Metro Manila ng British Oscar Nominee Director na si Sean Ellis.
Sa Tribeca filmfest experience niya sa New York, unang chika ni Leon sa kanyang Facebook: “Sobrang amazed ako dito sa New York, ‘di ako makapaniwala.
“Pagdating namin, nag-treat ako ng director at producers sa Japanese restaurant at pinakita nila sa akin ang New York magazine na nandoon ako. Until now, lutang pa ako, I can’t believe it!”
Sa nasabing world premiere ay um-attend ang Hollywood veteran actor na si Danny Aiello na lumabas sa mga pelikulang Once Upon a Time in America, Ruby, The Godfather: Part 2, Hudson Hawk, etc.
“Overwhelmed kaming mga Pinoy actors dito, the Filipinos are very supportive. Ang daming sumuporta, lalo na sa Philippine Consulate in New York.
“Pinag-uusapan dito ang Graceland! Bago kami mag-premiere, sold out ang ticket in 56 minutes nang mag-online ito, first time in history. Same as the second day of screening.
“After ng premiere namin, nilapitan ako ni Danny Aiello. Sabi n’ya sa akin, ‘What an incredible actor you are, job well done! You scared me!’”
Ganoon din daw ang feedback sa kanya ng marami sa audience. “Sobra ang kaligayahan ko rito, as first timer. I’m with good hands sa producers naming si Joshua Sobel at Theo Brooks.
“Tapos, nasa New York magazine ang photo ko. Picture ko rin ang nasa souvenir program guide nila!”
Tinanong rin daw siya ng isang flight steward ng American Airlines, “Are you a rockstar?” At ang tugon raw nito, “No, I just rock!!!”
“Nakakalula dahil ang daming nagpapa-picture sa premiere! A lot of foreigners are asking me, ‘Are you a native American-Indian?’ Ang sagot ko, ‘Nope, it’s an honor to be a native Filipino.’
“What an experience. Sa ngayon, number one ang Graceland para makuha ang Audience Choice Award. Ongoing pa kasi ang filmfest until May 1,” pagtatapos ng proud Pinoy na si Leon Miguel.
Kabilang din sa cast ng Graceland sina Menggie Cobarrubias, Dido de la Paz, at isa pang international actress na si Marife Necesito.
You may send feedback at [email protected]
Mellow Thoughts
by Mell Navarro