KAKAIBANG EXCITEMENT ang first directorial job ni Ronnie Lazaro entitled Edna na pinagbibidahan ni Irma Adlawan under Artiste Entertainment Works International, Inc. The film discusses the struggles and pains of Overseas Filipino Workers as chronicled by the life of Edna.
Ayon kina Direk Lazaro at producer na si Anthony Gedang, ang kakaiba sa istorya ay ‘yung epekto ng mga trabahador natin sa ibang bansa. “’Yung kalungkutan, pagtrato sa kanila ng ilang banyagang kanilang pinagsisilbihan. Karamihan sa bumabalik sa atin nagkakaroon ng mental disorder, baliw. ‘Yung iba nagbabago ng pag-uugali, kilos na kakaiba.”
Sabi nga ni Direk Lazaro, “There are some scenes na hindi namin puwedeng sabihin para may misteryo. The film paints a colored opening but it progresses in a monochromatic tone. This is to signify that hopeful beginnings don’t always lead to beautiful endings. The film also illustrates the paradox embedded in the very ideal of Filipino Diaspora.”
Kung tutuusin, matagal nang dapat nagdi-direk ng pelikula si Ronnie, hindi nga lang niya ito binigyang-pansin. Pero nang i-offer sa kanya ni Tonette (producer) ang indie film na Edna, hindi nakatanggi ang award-winning actor. Ganu’n na lang ang pasasalamat nito sa tiwalang ibinigay sa kanya. “Wala naman akong pangarap maging director. Pinagbigyan ko lang itong kaibigan kong si Tonette dahil gusto niyang mag-produce uli ng pelikula. May mga nag-apply pero wala siyang nagustuhan. Kinausap niya ako kung puwedeng ako na lang ang mag-direk ng susunod niyang indie film. Actually, it’s destiny, ibinigay niya ang tiwala niya sa akin at natuwa siya sa kinalabasan nito. I’m excited to show to everybody our film.”
Hindi makasagot si Direk Lazaro kung hudyat na ba ito na magtutuluy-tuloy na siya sa pagdi-direk ng pelikula? “I don’t know, I will not say anything. I always see my life always like that. I’m a commerce, accounting major. I got into acting, accounting naging acting so, hindi ko destiny ang maging accountant. Hindi ko nga inisip na mag-asawa ng foreigner, all of this is destiny. Ang creative juices mo mapipiga kung bago ka pa lang, kasi ma-challenge ka, pag-iisipan mo, ‘di ba ? It’s a tough job, everything is working well.”
As a director, may sariling style si Ronnie Lazaro. Mapapansin raw ito kapag napanood na natin ang indie film na Edna. Na-appreciate ng actor/director ang mga naging director niya in the past. “Yes, even before that, I said, I’ve vow to all my directors. Mabigat na trabaho ‘yan pero walang mabigat kapag gusto mo. You love what your doing. Sa totoo lang, hindi ako makatulog, iniisip mo ‘yung mga susunod na eksena. Nati-thrill ka lalo na kapag si Irma na ang artista mo at siya na ang kukunan. Sobrang galing niya, napaka-powerful ‘yung performance na ipinakita niya rito. I don’t want to compare my work to other directors. I don’t watch preview on the set kapag nagte-taping kami. Kasi, mayroon na akong imahe sa character ko baka magbago pa kapag pinanoood ko sa monitor,” paliwanag niya.
Inamin Direk Lazaro at Tonette na kaya nila ginawa ang Edna ay para ilahok ito sa International festival abroad. Sinabi ng butihing producer na pinadala na nila ang pelikulang Edna sa Cannes at natanggap na raw ito. Malalaman nila ang kasagutan kung nakapasok nga ang Edna this April. ‘Yun naman talaga ang main purpose ni Tonette. We will show it to international circuit. I want to tell you something, it’s set on colored and it will move in without noticing towards the end it’s black & white so, may ganu’ng istilo, Oro Plata Mata. Ang cinematographer namin ay si Larry Manda , big time award-winning cinematographer,” pagmamalaking turan pa ni Direk Lazaro.
“Seven days shooting, natapos namin ang pelikula, first time director. Ang yabang namin, alexa ang dalawa naming gamit na camera. Kahit mahal siya, worth it naman. Iba ang texture ng film, mapapansin n’yo ‘yan sa trailer pa lang. Sa international may requirement, maselan sila sa sound,” dugtong pa ng magaling na actor/director.
“I also appeared in the movie, the husband of Edna. First time, I’m directing pa. The idea and the concept is mine, screenplay by Lally Bucoy. Mayroon kaming eksena ni Irma na ang tagal. Sabi ko, bakit hindi kayo nagka-cut? Sabi sa akin, kayo po ang magka-cut, ah ganu’n ba? But we have fun, ‘yun ang maganda sa Tagaytay,” kuwento pa niya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield