Basahin ang Blind Item ni Tita Swarding para sa isyung ito: Blind Item: Character actor, tagasalo ng binubugaw na bagets actor na umaatras sa booking!
GUSTONG LINAWIN NI Maricar Santos sa lahat na hindi po siya si Maricar Reyes, ang babaeng parang hinete na na sangkot sa sex scandal ni Dr. hayden Kho, huh!
Dahil kahit saan magpunta si Maricar Santos, ‘pag tinatawag siyang ‘Maricar,’ kaloka ang mga tao, halos magtinginan sa kanya, at napagkakamalan nga siyang si Maricar Reyes! Susmaryosep! Kahit naman ako, ‘di ba?
Kaya muling nilinaw ni Maricar Santos na hindi po siya si Maricar Reyes. Kaya ngayon, binago na niya ang kianyang apelyido. Hmm… alam n’yo ba kung ano? Eh, ‘di Maricar Madrid! O, laban kayo? Kaloka, huh! Bongga, ha?
Pero ang bongga talaga sa kanya, ang nalalapit na laban ng kanyang bagong ipinoprodyus na bakbakan ng kamao ng mga artista natin. Bongga ito mga kafatid dahil bukod sa sports ito, talagang susubaybayan ito ng mga mahihilig sa boxing, lalo na ngayong mga artista ang maglalaban, maging ang mga amateur at professional boxers.
Naloka nga ako dahil ang daming nakapila na gustong pumasok na commercial at mag-sponsor sa kanyang pinoprodyus na boxing show. Halos lahat ng energy drinks. Hmm… hindi na ako magbabanggit kung anu-ano ang mga ito. Basta ang dami talaga. Mapapanood nga ito every Saturday sa CS9, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi. Nagsimula na ito nu’ng nakaraang Sabado, hosted by Carlos Morales and Kat Alano. Hmm… bongga talaga ang ipinoprodyus ni Maricar Madrid. I’m sure, dito na siya makababawi sa lahat. ‘Yun na!
SI ATTY. PASAWAY, ay ipakukulong! Naku, ha? Nakakaloka ito! Halos nawindang ang aking ulirat nang pinutakte ako ng mga text messages at natalo nga raw ni Atty. Pasaway ang kanyang sinampahan ng kasong pagnanakaw, amo movie writer na si Tonee Corazza. Hmm… kaya ayun, magbabayad nga raw ng P120,000 ang nabanggit na akusado. Kaloka, huh!
Pati nga ang ilang taga-showbiz, nadadamay na rito. Naku, pati ang inyong lingkod na wala namang kaalam-alam, nasama ang pinakaiingatan kong name. Sa tinatagal-tagal, ko na sa trabahong ito, ngayon lang ako nakatanggap ng mensaheng nangungutang daw ako. Kaloka, ha? Dahil never, sa tanang buhay ko, ang mangutang. Puwede pa akong manghingi, dahil ‘pag may utang ako, ‘di ako makatulog.
Kaya ayun, super saya si Atty. Pasaway, dahil walang binatbat ang kalaban nito na nagbitbit pa ng abugado ng batas-batas. ‘Yun na!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding