Charee Pineda, itinangging BF ang mayor ng Valenzuela

DINENAY NI Charee Pineda ang malisyosong tsismis sa kanila ni Mayor Sherwin Gatchalian ng Valenzuela City na siya na raw ang GF nito after Pauleen Luna. Charee is 22 years old at mga ganitong edad daw ang hilig ng mayor. Hindi naman itinanggi ni Charee na nagkakasama sila ng mayor sa ilang events at nakikita sila ng mga tao lalo na sa kanilang lugar, pero hindi raw maiiwasan iyon dahil nga SK Chairman siya ng kanilang barangay sa naturang lungsod.

Mabait daw si Mayor Sherwin, pero hindi raw ito nanliligaw sa kanya. If ever na manligaw man ito sa kanya, she will make sure na ready na siya at walang problema sa kanya kung mas may edad ang lalake since type niya ngayon ay mga matured men.

Isang non-showbiz guy ang huling BF ni Charee at kabi-break lang nila. Ang yumaong aktor naman na si Tyrone Perez ang pinakamatagal na naging BF ng bagong endorser ng BNY jeans and shirt. Sa ngayon, hindi pa ulit siya handang magka-BF lalo’t busy siya sa taping ng Angelito: Batang Ama with JM de Guzman at ang nalalapit na pagtakbo niya bilang konsehal ng Valenzuela.

Mukhang sinusundan niya ang yapak ni Konsehal Shalani Soledad at posibleng sa isang politiko rin siya mapunta in the end?

“Hindi ko pa masasagot iyan, eh. Pero kung sa pagtulong lalo na sa mga kabataang nais mag-aral pero kulang sa kakayahan ang mga magulang, siguro, pareho kami. Pagdating sa lovelife, bahala na po kung ano ang mangyayari. Sa ngayon, ayoko pang isipin iyan since bata pa naman ako. Ini-enjoy ko pa ang pagi-ging artista ko at masaya ako sa kung ano ang meron ako ngayon, both sa career at sa personal na buhay ko,” sabi pa ng magandang young actress.

BALIK-REUNION SI Ara Mina kay direk Buboy Tan na una niyang direktor sa launching movie niya noong 18 years old siya, ang Maldita. Si Direk Buboy rin ang direktor ni Ara sa Kalabit noong 2004. Delusyon ang title ng bagong pelikula ng aktres na bida rin sina Jake Vargas at Bea Binene. Isa itong advocacy film tungkol sa mga kabataang nalulong sa dorga. Si Jojo Matias na dating kasamahan ni Ara sa That’s Entertainment ang producer at kasama rin sa pelikula.

“Actually, nag-reunion kami nu’ng mga kasamahan ko sa That’s nu’ng 2008. ‘Yung batch lang namin gaya nina Vice Mayor Isko Moreno, sina Francine Prieto at ito ngang si Jojo. Napag-usapan namin du’n na sana nga ay mayroong mag-produce ng indie film isa sa amin. May mga plano rin kami na magkaroon ng fund-raising show para sa mga kasamahan namin na medyo hindi pinalad ng konti. Pagkatapos nu’n, naging busy na ako, sunud-sunod na ang mga projects ko, pati ‘yung iba sa amin, kaya for a time medyo hindi kami nagkikita-kita.

“Until one day, tumawag sa akin si Jojo at in-offer nga ito. Tinanong ko pa kung sino ang direktor at nu’ng sinabi niyang si Direk Buboy nga na kaibigan ko rin naman at matagal na kaming hindi nagkikita at nagkakatrabaho, pumayag agad ako. Isa pa, makakasama ko sina Jake at Bea… eh, mga anak-anakan iyan ni Kuya Germs, kaya go talaga ako,” kuwento ni Ara nang pasyalan namin sa set ng naturang pelikula.

Bukod sa Delusyon, lagare rin si Ara sa Menor De Edad, si  Joel Lamangan ang direktor sa produksyon ni Jesse Ejercito. Ayon pa sa award-winning actress, bale reunion din nila iyon ni Direk Joel na naging direktor niya sa Huling Birhen na nagpanalo sa kanya ng tatlong best actress award.

“Nakakatuwa nga eh, kasi lahat ng ginagawa ko, bale reunion namin, eh. Eh, si Direk Joel, matagal ko ring hindi nakatrabaho at ‘eto, magkasama na naman kami,” sey pa ni Ara.

Kahit abala siya sa kanyang trabaho bilang aktres, tuluy-tuloy pa rin ang plano niyang business na may kinalaman sa natapos na kurso niya sa Culinary.

“Anytime now eh, we’re planning to put a bakeshop. Hazelberry ang naiisip kong pangalan. Plano ko ring pasukin ang catering business, kaysa magtayo ng restaurant. Mas okey ‘yun sa tingin ko kaysa mag-rent ka ng place na sobrang mahal na. At least ang catering, uupa ka lang ng mga gamit. May mga umu-order na sa akin like mga pastries at cakes na ako ang personal na gumagawa. Proud ako na sabihing masarap ‘yung mga gawa ko kasi ‘yun ang sinasabi ng mga tao, at parami nang parami ang mga order nila,” masayang tsika pa ni Ara.

Wish din pala ni Ara na makagawa ng indie film for Cinemalaya . She doesn’t  mind kung maliit ang budget as long na maganda ang materyal at challenging sa kanya ang role.

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

Previous articleBad influence sa kabataan
Akihiro Blanco at Sophie Albert ng Artista Academy, naninigarilyo na?!
Next articleGerman Moreno, wala nang balak sumabak sa pulitika?

No posts to display