ISA SI Charee Pineda sa may magagandang mukha among our young actresses today, at marunong umarte, kaya naman nasa Book 2 na ang kanilang pang-hapong serye sa ABS-CBN, ang Angelito: Batang Ama.
Narinig namin na kahit na may feelers na raw ang sexy magazines (like FHM) sa kanya, eh wiz pa rin nito type mag-pose nang sexy para sa nasabing men’s magazine.
Say ni Charee, hindi naman daw siya nagsasalita nang patapos, pero sa ngayon ay ‘di pa raw siya ready “magbalandra” ng kanyang katawan although marami nang sexy magazine editorial staff ang “nag-aabang” ng kanyang matamis na oo upang “hubaran” siya sa pictorial.
Kahit isang young mom na rin ang kanyang role sa kanyang serye, type ni Charee na panatilihin pa rin ang wholesome image nito sa publiko, lalo na sa paggawa ng pelikula.
Si Charee ay kasama sa cast ng Biyaheng Kariton Klasrum, isang indie film na written and directed by Errol Ropero, na nag-premiere night kamakailan sa SM Batangas.
Dumalo si Charee sa nasabing premiere, along with co-actors Jairus Aquino, Carla Varga, Edward Ropero (lead actor), etc. Kasama rin sa film si Tia Pusit.
Charee plays a good-hearted pre-school teacher. Sa pelikula, maraming eksenang ipapakitang bumabiyahe ang “kariton” ni Edward at nagtuturo ito ng lessons sa mga batang mahihirap, kahit na sa lansangan, park, etc.
Na-inspire si Direk Errol (tubong Batangas) sa kuwento ni Mr. Efren Peñaflorida na tulad niya ay may advocacy rin sa illiteracy at naniniwalang “Through proper education; Poverty is not a hindrance to success”.
Family-oriented ang Biyaheng Kariton Klasrum, kaya “deadma” muna si Charee sa kaliwa’t kanang offers na mag-pose nang sexy sa men’s magazines dahil alam niyang may mga bagets siyang audience.
Kuwento naman ni Direk Errol sa pakikipag-trabaho kay Charee: “On time lagi si Charee sa set, memorized ang lahat ng lines at magaling mag-adlib.
“Nadadala niya ang mga baguhang artista. Maganda ang projection niya sa camera at binubuhos niya ang 100% para mas mapaganda ang bawat eksena.”
Ang Biyaheng Kariton Klasrum as isang eye-opener sa kahalagahan ng edukasyon, being endorsed by Department of Education. Sa katunayan, ni-launch ng DepEd ang proyektong Kariton Klasrum noong January 14, 2012.
May fan page ang movie sa Facebook: http://www.facebook.com/BiyahengKaritonKlasrom
SILVER ANNIVERSARY, as in 25 years na ngayong taon si Aiza Seguerra sa showbiz, and what more can be a fitting “tribute” sa 25 years na ito sa career ni Aiza kundi isang bonggacious na concert.
Ito nga ang Bente Singko: Aiza Seguerra Anniversary Concert na ginanap noong Biyernes, September 28, sa Smart Araneta Coliseum.
Very seldom na sa mga artista o performer ang nakakaabot ng mahigit dalawang dekada at nasa itaas pa rin. Ang ilang mga kasamahan niya’y naglaho na.
Ano ang staying power secret ni Aiza? “I guess, it’s just basic — you just have to love and respect people around you,” say niya.
Marami ring pagsubok ang dinaanan ni Aiza sa loob ng 25 years na ito.
Naisip na pala niyang mag-quit noon at mag-focus sa school, pero nabigyan ng another chance at ang hit song niyang Pagdating ng Panahon ang nagbigay ng “second wave” sa kanyang career.
Aminado si Aiza, na noong una raw talaga ay ‘di feel mag-Araneta Coliseum dahil malaki ito at “solved” na siya kahit intimate o mas maliit na venue lang, playing with her guitar.
“Sa totoo lang, natetensiyon ako. Nagsimula ang tension ko noong Lunes — bilang isang producer at singer, nagsabay sila.
“Kahit anong tira ko ng Paracetamol, walang nangyayari. Ang sakit ng ulo ko! Grabe na itong tension ko.”
Big time siyempre ang naging guest artists niya sa Beinte Singko: Aiza Seguerra Anniversary Concert – Martin Nievera, Gary Valenciano, Vic Sotto, Sessionistas, Krizza Neri, Bayang Barrios, Cookie Chua, Gloc-9, The Company, at ang Philharmonic Orchestra.
“Lahat sila, sobrang part ng buhay ko. Kumbaga, hindi sila pinili sa commercial value. Walang ganu’n. Pinili ko sila kasi pantay-pantay sila sa puso ko.”
Dagdag pa ni Aiza, “At happy ako dahil lahat ng guests ko, pro bono. Walang nagpabayad sa kanila. Mga kaibigan talaga. It pays to be respectful with everybody around you.”
Mellow Thoughts
by Mell Navarro