HINDI NAMIN alam kung maiinis o maiintindihan namin si Charice Pempengco sa bago niya ngayong look.
Sa new look niya ay halos iisa lang ang tanong sa Twitter: “Anyare?”
Kesa mainis siguro ay gusto na lamang naming intindihin si Charice na ‘yung “barako look” niya nowadays ay trip niya o happiness niya.
Na hindi naman natin kayang ibigay ‘yung ikaliligaya niya, so sino tayo para humusga sa “boyish look” niya ngayon.
Pero ang masaklap kasi roon, nasundan ng mga tao ang ‘ika nga’y rags to riches na career, eh.
Nagsimula sa pasali-sali sa amateur singing contests, hanggang sa naging runner-up ni Sam Concepcion sa isang singing search sa ABS-CBN na mas sumikat pa siya sa grand champion, ‘di ba?
Kinilala nina Oprah, Ellen De Generes at iba pang international chu-chu si Charice, kaya sumikat talaga siya.
Tapos, mula nang maging judge siya sa X-Factor, pinuna rin ang linggo-linggo niyang pagpapalit ng hair style ay sunud-sunod na ang pang-ookray ke Charice, pero deadma lang ang batang singer.
So ngayon pa ba maaapektuhan si Charice sa pambabatikos sa kanya? Manhid na siguro siya.
Pero if I were Charice, dapat, ibalik na niya sa dating inosenteng mukha ang packaging niya.
Parang nasa adjustment period pa ang tao ngayon kung tatanggapin ba siya o iintindihin na lamang kasi du’n siya masaya.
Ikaw rin naman ang dahilan kumbakit ka kinilala internationally. At ikaw rin ba ang magwawaley no’n sa tao?
Think about it. Sayang naman kung ipagpapatuloy mo ang pagpapalit ng image.
At patuloy lang sa pagtatanong ang mga tao ng, “Anyare?”
ANG ALAM ko ay ito: me gagawing teleserye sina Julia Montes at ang absent sa debut niya at “naudlot” na pag-ibig niyang si Enchong Dee.
Ang alam ko pa, kasama rin dito si Enrique Gil.
Pero siyempre, saka na tayo maniwala ‘pag umikot na ang kamera.
Alam n’yo naman ang panahon ngayon. Pupuwedeng matuloy pero biglang nagbabago ang casting.
Or hindi na matutuloy at all dahil me bagong mukha na ilo-launch.
So abangan ang susunod na kabanata.
AFTER MAY Isang Pangarap ay meron na agad gagawing teleserye si Carmina Villarroel.
Siya lang naman ang madir ni Daniel Padilla at kung hindi kami nagkakamali, si Kathryn Bernardo naman ay anak nina Manilyn Reynes at Benjie Paras.
Kung magtutuloy-tuloy ang Juan dela Cruz sa timeslot na 7:30pm o after TV Patrol, ‘yung KathNiel teleserye naman ay before TV Patrol.
Let’s make abang na lang kung tama uli ang impormasyong nakalap namin.
Isa lang ang sigurado, sobrang happy na naman ang mga KathNiel, dahil makikita na naman nila sa small screen ang kanilang idol na loveteam.
So sino ang “third party” sa KathNiel? ‘Yan ang ating aabangan.
Oh My G!
by Ogie Diaz