OLA CHIKKA now na!! Oh no, oh yes… now na! Maloloka ka talaga sa earth dahil talagang sa tuwing naalala at nakikita ko si Charice Pempengco ay talagang unti-unting nagkakatotoo talaga ang isinulat or blind item ko na talagang tivoli itong si Charice. Naalala ko talaga na sinabi ko talaga noon ‘yun dahil alam mo naman, maamoy mo talaga ang kapwa mo, haha!
Nakakaloka talaga sa Earth, ‘te, dahil ngayon iba’t ibang klaseng picture ang lumalabas sa kanya, tatlong magkakaibang poses ang lumabas sa Facebook. Ang una ay nakatayo si Charice habang nasa tabi naman niya ang nakaupong girl. ‘Yung dalawang photos naman ay parehong nakaupo at magkatabi ang dalawa. Ang kaibahan nga lang, ang isa ay closer shot. Siyempre, ang tanong ng mga tao ngayon sa kanya na madedeny mo pa ba ‘yun? Hindi mo naman p’wedeng sabihin na gimik mo lang ito, kasi wala ka nang masyadong ganap ngayon.
Naloka lang talaga ko rito na hanggang ngayon, puro pagde-deny na lang siya. Bakit kaya ang ibang artista ay nagladlad na mas masarap kaya ang feeling ng isang artista kapag talagang tanggap mo na sa sarili mo kung ano ka? Kasi ang chikka nga nitong Charice ay tanggapin na lang daw siya kung ano man daw siya ngayon at ano ang kanyang image. Paano siya matatanggap ng tao at maiintidinhan ng fans niya kung siya ay ayaw niya pang aminin sa madlang people na may something keme siya?
AT SIYEMPRE, isisingit ko lang sa column ko ang Quezon City General Hospital dahil habang gumgawa ako ng column ko ngayon, talagang nagpapasalamat ako sa lahat-lahat ng staff ng QCGH dahil sa magangdang pagpapalakad ng kanilang director na si Dr. Cabigas dahil na interview ko ito noon sa programa ko sa DZRH, at talagang inasikaso ako nang maayos.
In fairness naman po sa hospital na ‘yun, kahit mahirap ka o may kaya ay pantay-pantay lang ang tingin ng mga staff, lalo na ang mga nurse at mga doctor. Ibig sabihin, walang discrimination.
At isa na rin siguro na kaya maganda at maayos na ngayon ang QCGH dahil din ito sa tulong ni Mayor Herbert Bautista na talaga namang ito ang ginawa niyang proyekto para matulungan ang mga kababayan nating nangangailangan ng tulong.
Kaya para sa mga taga-Quezon City General Hospital, saludo ako sa inyo.
Para sa mga nagtatanong kung ano ang naging sakit ko, 3 days sumakit ang tiyan ko kaya naispan kong pumunta ng hospital para magpa-check-up. Sabi nga sakin ng doctor ay may apendisitis nga raw ako kaya agad-agad akong pina-eksamen para maoperahan ako. Kaya nu’ng araw na ‘yun, inoperahan na ako mismo, kasi baka pumutok na nga raw. After operation ay diretso agad ako sa ICU para maka-survive ulit sa pangalawang pagkakataon at ngayon ay inilabas na ako sa ICU. Nasa kuwarto na ako ng QCGH para magpagaling.
Maraming salamat sa tumulong sa akin, lalo na sa itaas, financial at prayers, hindi ko na kayo iisa-isahin dahil taos-puso akong nagpapasalamat sa inyo. Sana tuluy-tuloy na ang paggaling ko at tuluy-tuloy pa rin ang prayers natin.
BLIND ITEM: Sinecth itey na sa unang tingin, hindi mo iisipin na berde ang dugo (read: gay) ng isang male actor? Produkto ito ng isang reality search. Pero sa mga tunay na nakakikilala rito, kumpirmadong gay ang male actor.
Kamakailan, sa isang sikat na resort ay nagbakasyon ang male actor. Doon ay nakasama niya ang ilang celebrities. Umiral ang kaelyahan ng closetang aktor. Ayun, isang member ng dance group ang kinalantare niya. Nagkataon na mahilig din sa kapwa bading ang male dancer kaya nagkaayos sila.
Sa restroom ng isang bar naganap ang landian ng aktor at male dancer. Ang hindi nila alam, may nakakita sa kanila nang gawin nila ang “milagro” kaya pagbalik ng Maynila, kalat na ang nasabing balita.
Kailangang maging discreet ng male actor dahil kapag tinuluy-tuloy niya ang paglalandi in public, magiging laman siya ng mga usapan ng mga bading sa showbiz.
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding