GAANO KAYA katotoo ang nakalap naming balita na flop daw ang show ni Charice Pempenco sa Japan entitled Lovely Explosion na prinodyus ng hindi matinong kausap na producer na si Lovely Ishii ng Loyds International Marketing.
Kung dati-rati raw kasi, dinudumog at talaga namang blockbuster at tinatao ang concert ni Charice sa ibang bansa, ngayon daw ay hindi na ito masyadong tinatao at isa na rito ang show niya sa Japan.
Simula raw kasi nang umamin ito sa kanyang tunay na gender (tomboy), humina na ang popularity ng Pinay international singer, at isa-isa nang nangawala ang kanyang libu-libong supporters na hindi tanggap ang ginawa niyang pag-amin.
Bukod pa sa isang linggo bago ang konsiyerto nito sa Japan, negang-nega ang concert nito sa pagkakatanggal ng Internet Sentation na UPGRADE na tinanggal nang walang kaabug-abog ng producer nito, kaya naman ang resulta, nag-flop daw ang concert na ito ni Charice. ‘Yun na!
John’s Point
by John Fontanilla