HINDI NA TALAGA maawat sa kanyang pagsikat si Charice. Pagkatapos nina Manny Pacquiao, Michael V at Diether Ocampo, it’s now her turn to grace the cover of Reader’s Digest Asia’s August 2010 issue.
Si Charice ang tampok sa cover story na pinamagatang “The Making of a YouTube Sensation”. Hindi kaila sa ating lahat kung paano nabago ng YouTube ang kapalaran at buhay ni Charice. Now, she is globally famous.
Sa latest issue ng magazine, Charice shared her life story and how her dreams turned into reality sa pamamagitan ng YouTube. Si Dave Duenas, o kilala bilang si ‘FalseVoice’, ang nag-upload ng kanyang Little Big Star performance of Whitney Houston’s “I Will Always Love You”. The video was viewed and applauded by hundreds of thousands of web visitors that eventually led to her much-applauded performance in Star King, a famous Korean variety show, and the top American daytime show, The Ellen DeGeneres Show. Charice stunned the world with her magnificent voice. At hindi naman nagtagal at she caught the attention of Oprah Winfrey.
Kung tayo ay nagkakasya na lang na panoorin sina Oprah Winfrey, Ellen DeGeneres, Celine Dion, Josh Groban, David Foster at Alicia Keys sa telebisyon, Charice has rubbed elbows with these big stars. At sino rin ang mag-aakalang magiging godparents pa niya sina Kumareng Oprah at Kumpareng David?
Maliban kay Charice ay tampok din sa magazine ang mga life stories nina Iyaz at ang tinitiliang Canadian teen singer na si Justin Bieber na pawang mga YouTube sensations din.
Patuloy ang pagbulusok ng international singing career ni Charice. Ngayon ay kasama siya sa cast ng Glee where she plays a Filipino exchange student.
How can we describe her success? Is it fate or pure luck? I don’t know pero ang sigurado ako ay masuwerte si Charice dahil hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng ganitong magandang pagkakataon. Where does Charice go from here? With the right moves, she’s really headed for the big time.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda