THERE HAS BEEN a massive techno-logy influx in recent years gaya ng e-mail, cellphone, at iba’t ibang online social networks. Kung dati ay kuntento na tayong makipag-communicate sa pamamagitan ng mga sulat, telegrama at face to face interaction, ngayon naman ay kasing-bilis na ng kidlat ang ating komunikasyon dahil sa mga text messages, blogs, Facebook at Twitter.
While these changes are beneficial to many, they can also be abused. Lagi kong sinasabi that the power that bloggers and texters wield is huge which is why they should responsibly use them. Ang paggamit nito ay dapat na makatulong at hindi para makapanakit sa ating kapwa at sa komunidad.
Nakakaalarma na ang mga naglalabasang balita tungkol sa mga kababaihang nabibiktima ng kanilang mga ka-Facebook. Ang iba naman ay ninanakawan at walang awang pinapatay pa. Buti na lang at nakaligtas sa kapahamakan ang kaibigan na-ting ABS-CBN director na si Ricky Rivero after he was stabbed several times at his apartment in Quezon City.
Pero hindi lang naman ang physical assault ang dapat nating ikaalarma kundi maging ang mga mapanirang komento na isinusulat at nababasa sa internet. At maging ang international singing star na si Charice ay hindi nakaligtas sa tinatawag na cyber-bullying.
Reyma Buan-Deveza posted an article on abs-cbnNEWS.com that Charice admitted in an interview with Celebuzz.com that she receives harsh comments on Facebook and Twitter. Sabi niya, “Sometimes the worst part is that some people can’t take [the negativity]. They are too weak to handle that kind of stuff. You just have to be strong about it. It’s just words coming out of other people. If they say ‘you’re ugly,’ it’s just a word – it’s never gonna kill you.”
Charice played Sunshine Corazon on Glee at habang siya ay kumakanta sa season finale nito ay marami ang nakapansin that she gained some weight. Some netizens called her attention about her weight gain. Halatang nasaktan si Charice pero hindi naman ito dapat maging dahilan para tumigil ang kanyang mundo at magmukmok na lang sa isang tabi. Palaban na si Charice because she previously fought her critics via Twitter and deleted her Facebook account.
Charice gave this advice, “I just want to tell other girls that if you hear a person telling you negative stuff, just remember that they’re not tal-king about you, they’re talking about themselves.”
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda