NGAYON LANG yata nagkaroon ng tatlong iba’t ibang plug ang programang Magpakailanman sa tanang kasaysayan nito sa himpapawid. Halinhinan ang pag-ere ng mga nasabing materyal.
Espesyal kasi ang naging tampok nitong kuwento: ang rebelasyon ni Charice Pempengco tungkol sa kanyang tunay na kasarian at ang pagsilip sa ipinaglaban niyang relasyon kay Alyssa Quijano.
Of the three plug versions, ang nakatawag-pansin sa amin ay ang maikling sagot ni Charice sa tanong ng host-narrator nitong si Mel Tiangco regarding her feelings about coming out. Ani Charice, and we quote: “It made me a stronger person, and it gave me strength.”
May pagkakaiba?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III