TINAWAG NA linta ng madir ni Charice na si Raquel Pempengco ang mga taong nakapaligid sa kanyang anak na si Charice.
Nagbanta sa kanyang Facebook account si Raquel laban sa isang Jamie Anne Peters na ‘wag magkrus ang kanilang landas dahil sasabunutan niya ito maging ang kanyang anak na si Charice.
“Huwag niong hahayaang mag krus ang mga landas natin Jamie Anne Peters dahil ngayong pinuno nio ko lalagasin ko yang buhok mo kasama si CHARICE!!!! Kung yan ang paraan para magising sa bangungot ng mga kasinungalingang nanggagaling sa mga PESTENG MGA LINTA!!!” walang takot na sabi n Raquel.
Nag-senti rin si Raquel sa kanyang mga anak with this post: “Sobrang sakit ng naramdaman ko. Bakit di nyo ko maintindihan? Meron pa ba akong pagkukulang sa inyo? Ginawa ko naman ang lahat para magampanan ang tungkulin ng isang ina at ama sa inyo. Akala ko hini nio pasasamain ang loob ko kasi nakita nio naman ang paghihirap ko noong bata pa kayo. Akala ko kayo ang magiging gabay ko pag malabo na ang mata ko. Ginawa ko naman ang lahat para mapasaya kayo. Ang gabi ginawa kong araw noon para mabigyan ko kayo ng inyong pangangailangan. Natatandaan nio pa ba na bawat hindi ko pagkain tinitiis ko para lang maipasalubong ko sa inyo? Na kahit pagod na pagod ako ang makita lang kayo paguwe ko ay masaya na ako. Ginawa ko lahat yun kasi mahal na mahal ko kayo. Isa lang ang pangarap ko sa inyo ang makita bago ako mamamatay na nasa ayos kayo, bakit hindi nyo ako maintindihan Ming at Asiong Carl….??? Mahal na mahal ko naman kayo, sana maramdaman nio yun.”
Parang ibinuking pa ni Raquel na may isang bagay na kinahuhumalingan si Charice at parang nalilihis ito ng landas.
“Ok sana kung ordinaryo lang at hindi kilala walang pakielam ang mga tao pero kahit ordinaryo lang mga anak natin nasasaktan pa rin tayo kahit ituloy pa ang buhay ng without our children, kung nakikita mo ang anak mo naghihirap nalilihis ng landas apektado pa rin tayo. Kahit na aliwin pa natin ang sarili natin maiisip at maiisip natin kc karugtong ng buhay nila ang buhay natin,” sabi niya.
AMUSED MORE than surprised itong si Bianca Manalo na si John Prats pa rin ang tinanatanong sa kanya during the thanksgiving party given by Joji Dingcong for his JLD Star Force talents.
“Natatawa na lang ako. Parang, ‘talaga, after one year iyan pa rin ang tanong,” reaction ni Bianca whe somebody asked her kung aware siya sa relasyon ni John kay Isabel Oli.
Actually, ang press ang nagulat when she said na pang-third na ni John ‘yung sa kanila ni Isabel.
“Pangatlo na ‘yon after me,” she said, referring to Isabel Oli. “Ang alam ko pangatlo na. Nakakarating sa akin (ang chika). Sabi nila, may nakakakita kasi sa kanila. Pinipiktyuran nila,” kuwento niya.
Sino kaya ang mas naunang dalawang girlfriend niya na hindi yata napabalita?
Anyway, happy si Bianca dahil bukod sa kasama siya nina Ai-Ai delas Alas at Marian Rivera sa Kung Fu Divas ay meron pa siyang isang project. Kalalabas lang din ng character niya sa soap opera nina Angeline Quinto, Sam Milby at Paulo Avelino.
MUKHANG MABABAYARAN na si RR Enriquez dahil noong nagharap sila ng ex-PBB housemate na si Jen Da Silva-Geisler ay nangako itong babayaran niya in five days ang utang niya sa sexy actress.
Nagreklamo si RR sa CIDG office kamakailan at doon sila nagharap.
Sa kuwento ni RR, last May 2012 ay nanghiram si Jen ng isang milyon.
“That day nang na-meet ko siya (ay) nanghiram siya sa akin ng one million so binigyan ko siya kaagad ng one million. Then after three weeks ay nanghiram uli siya sa akin ng another one million. So binigay ko pa rin sa kanya kasi ang alam ko naman ay hindi niya ako tatakbuhan,” sabi ni RR sa isang interview.
“Me utang pa siya sa aking P840,000 and then ‘yung one million and three hundred fifty thousand ko na alahas… tumatlabog na naman ‘yung mga tseke. ‘Yun ang inirereklamo ko ngayon,” dagdag pa niya.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas