NAGING SUCCESSFUL ANG nakaraang concert ni Jericho Rosales sa Aliw theater with guest performers Yeng Constantino and Christian Bautista. Agaw-eksena naman ang pag-akyat ng fan ni Echo na ikinagulat ng lahat para lang mayakap at bigyan ng stuff toy ang kanyang idolo. Taga-San Francisco, California ang fan na Mariel de Leon ang pangalan at 18 years old. Sadyang umuwi ito ng ‘Pinas para lang manood ng concert ni Jericho. Napag-alaman namin sa actor/singer na ginamit ng dalaga ang graduation money niya just to buy a ticket for the concert at mapanood siya nang live on stage na labis na ikinatuwa ni Echo.
Hindi maiiwasang intrigahin sina Jericho at Christian dahil pareho silang na-link kay Karylle. “Wala namang ganu’n, pareho kaming cool on stage. Wish nga namin, magkasama pa uli kami sa mga susunod na concert. Sana mag-jam pa kami sa mga susunod pang concert. We’re all friends naman kaya walang dapat intriga sa amin,” masayang sabi niya.
PARA IPAKITA SA publiko na walang tensiyong namamagitan kina Rachelle Alejandro at Jessa Zaragosa together with Geneva Cruz at Roselle Nava, magkakaroon sila ng concert, ang “Ladies of the 90s.” Nilinaw ni Jessa na walang katotohanan ‘yung issue tungkol kina Rachelle at Dingdong Avanzado. Nilinis na niya ang pangalan ni Rachelle at ngayon nga good friends na silang dalawa.
KAHIT PILIT NA ibinabaksak ang international singing sensation na si Charice, patuloy pa rin itong umaani ng tagumpay hindi lang dito sa atin, kundi maging sa ibang bansa. Aminin man natin o hindi, malayo na ang narating niya as a singer with the golden voice.
Charice is a superstar, the little girl with the big voice. Hindi siya apektado sa sinasabing nag-flop ang first solo concert niya rito sa ‘Pinas. Katunayan nga, ang album niyang My Inspiration, gold record na. Ayaw na nga ni Charice sagutin pa ang mga intrigang ibinabato sa kanya pero nagbigay pa rin siya ng mensahe.
“Gusto ko nga po, ‘yung mga nakapunta at nanood ng concert ang sumagot. Pero sa totoo lang po, two weeks lang pong napaghandaan ‘yung concert. Dapat nga po hanggang 5,000 seats lang talaga, sold out na po siya. Pero ang naging problema po kasi, pagdating ko sa venue, may bumili pa po ng 1,000 plus. So, nagdagdag po ng seats na 1,000 plus. Du’n na po nagkagulo, sumikip ‘yung venue. Ang masasabi ko, mahirap po talagang mag-perform sa harap ng mga Pilipino, pero ipinakita nila that night, pina-feel nila sa akin puno,” pahayag ni Charice.
Sinasabing mahina raw ang fans ni Charice dito sa atin, pero nang mag-mall show ang dalaga, dumagsa ang kanyang mga fans.
“Nagpapasalamat ako sa kanila, everytime na may mall show ako, palagi ko silang nakikita, bumibili sila ng CD. Iniisip ko nga, ilan na kaya ‘yung CD nila sa bahay?” Masayang sabi niya.
Sikat nga si Charice sa ibang bansa pero hindi raw rito sa ‘Pinas. “Ayaw kong ako ang sumagot n’yan. Ako po kasi, hindi naman po ako nakikipag-ano… kung hindi ako sikat dito – bahala sila! Basta po ako, ginagawa ko ‘yung worth ko as a singer para pasayahin ang mga tao. Pero kung hindi sila satisfy du’n, salamat po! Sa lahat ng mga nanonood sa akin, ipinapakita nilang kilala nila ako, marami pong salamat!”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield