SOBRANG OA (OVER-ACTING) ang mag-inang Charice Pempengco at Mommy Raquel niya nang mag-guest sila kamakailan sa Ruffa & Ai. Kung tinablan ang hosts na sina Ruffa Gutierrez at Ai-Ai delas Alas, sorry, pero hindi ang ordinary televiewers na ang karamihan ay nagsasabing parang wala nang katapusan ang emote ng mag-ina mula nang magkapangalan si Charice.
Subject na rin ng intriga ang mag-ina, pero ‘yung sa Ruffa & Ai, parang wala namang kawawaan ang pag-iyak-iyak nila over some petty matters na hindi naman maintindihan ng maraming televiewers kung bakit sila nag-e-emote ng ganoon. Para silang mga KSP (kulang sa pansin).
Hintayin na lang na maglabas ng international album si Charice nang sa gayon ay hindi ito napupulaan na parang name-media-hype na lang ang mga ginagawa. Hanggang hindi pa natatanggap bilang legitimate recording artist si Charice na may maipagmamalaking album sa US na bebenta, sa palagay namin, dapat magpreno ang mag-ina sa kanilang walang hanggang pag-e-emote.
NAGUGULAT PA RIN si Kaye Abad sa pagtanggap ng fans sa tambalan nila ni Guji Lorenazana. Nag-umpisa lang ito sa Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers,” lumipat ang mas matinding init sa sumunod na Somewhere in my Heart. Masasabi ngang pagkatapos ng chapter sa personal na buhay at career nina Kaye at John Lloyd Cruz, nakatagpo ng bagong effective na ka-loveteam si Kaye in the person of Guji.
Yes, may Kayji fans na kumbaga, isang malaking fans club daw ito na sumusubaybay sa career ng dalawa sa ngayon! Inusisa namin si Kaye kung nami-miss pa rin niya si Lloydie.
“Close pa rin kami,” sabi ni Kaye. “Sa ngayon, ‘yun lang muna ang masasabi ko.”
Parang hindi pa rin kasi malinaw ang kung anumang namagitan sa dalawa, but Kaye swears that they’re okay. Natutuwa na lang daw siya na sa pagbabalik niya, malaking artista na talaga si Lloydie na naipapareha na sa iba, at siya rin naman, mukhang nagke-create ng mania ang tambalan nila ni Guji na mukhang kinakikiligan ng fans.
Hindi pa rin nga makapaniwala si Kaye dahil pagkatapos ni Lloydie, lahat ng iba pang naitambal sa kanya ay hindi umepek at mukhang si Lloydie pa rin ang hinahanap. Obviously, nakakawala na si Kaye sa anino ng aktor kaya ramdam na ramdam na ang pagbabalik ng aktres, na bukod sa Somehere in my Heart, nagsimula na ng taping for Ruby na pinagbibidahan ni Angelica Panganiban. Tampok din siya sa World War II indie film na Iliw (nostalgia), kasalukuyang bahagi ng CineManila, kung saan kapareha niya ang Japanese actor na si Hiroyuki Takashima, sa direksyon ni Bona Fajardo.
Calm Ever
Archie de Calma