Charice, walang ‘K’ magpaka-Hollywood sa ‘Pinas!

ALAM N’YO BA, ang daming nairitang local press nu’ng hindi nila mainterbyu si Charice Pempengco sa MOA Concert Grounds nu’ng ganapin dito ang 11th anniversary show ng produkto ni Joel Cruz.

Juice ko po, na-sight namin ‘yung mga bodyguard ni Charice na ikinalokah namin. Kung kelan siya nasa sarili niyang bayan, du’n maghihigpit?

“Ano ba’ yon? Para iparamdam sa atin na international star talaga siya?” sey ng aming friend.

Kung umaastang foreign artist ang dating, eh, dito sa ‘Pinas kasi, hindi “binibili” ‘yon, eh. Puwede naman sigurong isahang interview, tapos, babu na, pero para umastang foreign artist?

Saka ilan lang naman ‘yung naghabol. Hindi naman lahat ng press, si Charice ang inabangan doon para mainterbyu at makunan ng mga photographers.

Mas marami pa ngang naghanap kay John Lloyd Cruz, ‘no!

SAKA WALA NAMANG masyadong audience du’n sa backstage. Puro nga production staff ang nandu’n. Aba, pupunta lang ng portalet si Charice, ang daming kasama.

Lalo tuloy nabulahaw ‘yung mga taong imbes na hindi siya mapansin dahil iihi lang naman siya, napansin tuloy siya. Ano ‘yon? Ba’t super daming kasama?

Pagkatapos bang umihi, ibang kamay ang huhugas ng keps niya?

KUNG SA HOLLYWOOD, tanggap ‘yung nang-iisnab ng press, nilulusutan ang press, dinededma ang press at nakakataas pa nga ng market value ‘yung gano’n. Pero sa Hollywood ‘yon nangyayari.

Dito, kapwa Pinoy, aastahan mo ng ganyan na dapat nga, dito ka “sobrang bait,” dahil ang Pinoy ang unang tumangkilik sa ‘yo bago ka pa makilala sa ibang bansa.

BIGLA TULOY NAMING naalala si Lea Salonga na hindi pinagbabago ng panahon. International star na ‘yan at maraming tinanggap na international awards and recognition, pero hindi namin naramdamang “nagpa-hard-to-get” ng ganyan sa mga kababayan niyang press.

‘Yan ang dapat manahin ni Charice. Kaya ang tingin ng mga Pinoy kay Lea, mataas pa rin. Kasi nga, hindi lang nito basta sinasabi. Ramdam ng mga Pinoy kung gaano sila kamahal ni Lea Salonga.

BONGGA ANG ASAP Rocks kahapon. Mga sikat na artista, bitbit hanggang Dinagyang Festival sa Iloilo City.

Kaya naman si Jed Madela na isang Ilonggo, duma-dialect ng Ilonggo, kaya ang cute-cute niya. In fairness, malalambing ang Ilonggo, si Papa Piolo na rin ang nagsabi.

Juice ko, ilang milyon kaya ang gastos doon ng ABS-CBN, ‘no?

Kalokah!

‘Wag n’yong kalilimutang makinig sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM Station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn with Ms. F, Mimi and Francis Simeon.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleDating sexy actress, hirap na hirap sa sakit na AIDS!
Next articleMark Herras, nagluluksa!

No posts to display