HINDI NA PINAPANGARAP pa ni Charice Pempengco na tumaas o lumaki pa gaya ng iba dahil kung sadyang ganu’n daw ang ibinigay sa kanya, ‘yun na daw ‘yun.
“Kung naging malaki o matangkad siguro ako ay hindi ko naman inabot ang ganito,” ang tsika ng 17-year old teener na international singing sensation.
Kaya nga raw minsan, nalilito siya kung paano aayusin ang sarili dahil kapag si David Foster daw ang tatanungin, gusto nitong manatiling ‘bata’ sa kanya. Habang ang nanay-nanayan (take note ang kasosyalan ha) niyang si Oprah Winfrey lang naman ang nagbibigay sa kanya ng stylist para ayusan at bigyan siya ng imahe na bagay sa kanyang edad. ‘Yung hitsurang bata nga dahil sa kanyang height, pero akma naman sa edad niyang dalagita.
Kaswal na kaswal nga kung magbahagi ng mga kuwento si Charice tungkol sa mga nabanggit na mga sikat na personalidad kasama na sina Celine Dion, Josh Groban, Jenniffer Hudson at iba pa.
May bagong album na may title na My Inspiration si Charice kung saan hindi puro birit ang maririnig na mga awitin gaya ng Wind Beneath My Wings, I’ll Be There, You Raised Me Up at iba pa. May duet pa sila ng mommy Raquel niya rito ang You and Me Against the World, plus ang nag-iisang orig song na Always You. Star Records ang may gawa nito at ito nga ang kauna-unahang album ng sikat na dalagita para ma-enjoy nating lahat!
MEANWHILE, TODO-EMOTE PA rin si Anne Curtis tungkol sa pagsasabing until now ay very good friends pa rin sila ni Sam Milby.
Zero man daw ang kanyang lovelife pero it doesn’t mean at all na hindi siya masaya at hindi na puwedeng maging masaya.
“Naku magkaiba ‘yun. I’m simply enjoying my life and my career. Hayaan na po muna natin na malagay sa ayos ang lahat. Malay ninyo,” ang pabitin pa nitong sinabi tungkol sa posibilidad na puwede pa ring maging sila ng sikat na heartthrob.
Dapat ay ipalalabas na ang The Wedding, ang balik-teleserye ni Anne sa DOS. Pero mukhang may conflict of schedule lang ang isang kasamahan nila rito kaya’t maghihintay pa raw ng ilang panahon.
May movie rin siyang ginagawa with Richard Gutierrez sa ngayon. May mga malalaki rin siyang endorsements gaya na lang ng kare-renew niyang GSM Blue.
MAY BAGONG BEAUTY expert ang industriya ngayon.
Bongga nga ang arangkada ng MIKAELA dahil malalaking mga pangalan agad ang nag-endorso ng klinika nitong pulos non-surgical beauty treatment ang iniaalok.
Actually Philiposophy by MIKAELA ang talagang pangalan ng establishment kung saan endorser nito sina Ruffa Gutierrez (salon), Pops Fernandez (non-invasive slimming treatment) at si Rufa Mae Quinto (stem cell technology treatment). For sure, ang iba pang mga treatments ay magkakaroon din ng sarili nitong endorsers thus making Mikaela, kakaiba at bongga, hindi ba naman?
Aminado ang may-ari nitong si Mikaela (na pang-MMK ang talambuhay, ‘di ba Nanay Lolit?) na kahit hindi siya kagandahan noon, ang negosyong ito pa rin ang kanyang pinasok dahil bukod sa banidosa siya ay alam niyang ang gandang-loob ay nagmu-multiply ng marami kapag physically ay maayos at masinop ka.
Sosyal ang mga branches nitong matatagpuan sa Alabang, Ortigas, Cebu at Davao at ang bubuksan sa Mayo 15 na Sgt. Esguerra (near ABS-CBN at GMA 7) branch nila.
Showbiz Ambus
by Ambet Nabus