PERSONAL NAMING nakilala at narinig umawit ang Charity Diva na si Ruby “Token” Lizares sa presscon para sa kanyang concert entitled ‘Token With Love’ with Richard Poon, German Moreno, Michael Pangilinan, Prima Diva Billy, Niza Limjap, A.J. Timisa, Le Chazz and movie columnist Alex Datu (front act) under the musical direction of Butch Miraflor. This special event will be held on March 22, 7pm at Teatrino Grennhills, San Juan, Metro Manila.
Matindi ang tibre ng boses nang mag-perform si Token on stage (Music 21), diva nga siyang maituturing. Hindi lang siya magaling na singer, composer rin siya at the same time. Katunayan nga, ginawan niya ng original songs sina Eva Eugenio (Bakit May Ulap Ang Landas) at Pops Fernandez (What Makes Me Love You). Na-nominate na rin siya sa Aliw Award as Best New Female Artist in 2003. Nakapag-release na rin si Token ng 2 albums, “Ikaw Lamang Sinta,” and an inspirational one, “A Token Of Love”.
Hilig talaga ni Token ang pagkanta, pangarap niyang makilala sa music industry tulad nina Imelda Papin, Eva Eugenio, Claire de la Fuente at Didith Reyes na kasabayan niya noong dekada ‘80. Kaya lang, mas binigyan niya ng priority na umawit sa ibang bansa. Naging in-house singer siya sa Equatorial Hotel, Singapore; Holiday Inn Hotel, Kuala Lumpur; Kamaishi Marine Hotel, Japan; First Hotel, Tokyo, Japan; Yuzankaku Hotel, Japan; at Celebrity Cruise. Naging special guest din si Token at the Waldorf Astoria Hotel, New York. Nang magbalik-‘Pinas ang multi-talented Diva, agad-agad siyang kinuha ng Hyatt Hotel, Manila para maging regular singer sa Kalesa Bar for 2 years.
Hindi na rin mabilang ang TV appearances ni Token, every time na nandito siya sa ‘Pinas. Taos-puso siyang nagpapasalamat kay Kuya Germs, for all the support through the years. As a person, likas kay Token ang tumulong sa kapwa na walang hinihintay na kapalit. Mahilig siyang mag-charity concert para sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong magpahangang ngayon. 90’s pa lang, sinimulan na niyang mag-charity works. Ang kanyang mga naging beneficiares noong 80’s – 2011, St. Vincent’s Home for the Aged, Bacolod, Holy Family,Bacilod Foundation, Batay Bata 163, Negros, Lingkod ER (Emergency Room) Foundation, Bacolod, St. Paul (Paulines) Catholic Media, Bacolod & Baguio, Philippine General Hospital (PGH)Children’s Surgical Ward, Manila, St mary’s Home for the Aged, Bacolod, Bacolod Boy’s Home Foundation, Bacolod Breast Care Foundation, Repairs and Renovation of Several Catholic Churches in Negros, Corazon Locsin Memorial Hospital, Surger Department and Indigent Individuals who need major surgeries.
Sabi nga ni Token, ang main objective of this fundraising event is the renovation of the Holy Family Home, Bacolod Foundation Inc. – Re-insertion Center. It is an extension center, for college girls who are being trained to live independently in preparation for their re-integration in the society.
Ayon pa kay Token, ang Holy Family Home–Bacolod Foundation Inc. ay isang institution, which provides residential care, protection, prevention, and rehabilitation for the abandoned, neglected, orphaned, girls. Ito’y non-stock, non-profit and non-government organization managed by the Congregation of the Capuchin Tertiary Sisters of the Holy Family, a Congregation with Franciscan –Amigonian Spirituality. The Center is duly License and Accredited by Department of Social Welfare and Development.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield