OLA CHIKKA! KAMAKAILAN ay panay ang pagpuna natin dito sa mga retokadang mga artista kaya nararapat lamang siguro na magbalik-tanaw tayo dito sa mga may orihinal na ganda na hanggang ngayon ay hindi pa rin kumukupas
kahit na makukunsidera na silang mga señor and señora citizens.
Noong nakaraan linggo kasi, naispatan ng aking parazzi girl ang launching ng librong isinulat ni Dr. Romy Protacio na may pamagat na “Balik-Tanaw” na mabibili rin sa National Bookstore. Ginanap ang event sa bahay mismo ni Pilita Corales at dumalo roon ang mga kilalang artista lalo na noong mga 80s at 90s na maaari na nating tawaging mga oldies. Ha-ha!! Buti na lang hindi pa ko kabilang sa kanila.
Siyempre hindi nakaligtas ang mga kagulat-gulat at kakatuwang chikka sa ating parazzi girl. Sa isang table ay narinig ng aking chismosang parazzi girl na inirereklamo nitong si Amalia Fuentes ang kanyang electric bill na P20K samantalang itong si Pilita ay dedma lang sa P30k niyang bill. Eh, hindi naman nagpakabog itong si Susan Roces sa P75k niyang bayarin.
Kakatuwa lamang dahil sa kabila ng kasikatan ay pinagkakaguluhan pa rin nila ang electric bill nila, ‘di
Nagulantang naman ang ating parazzi girl nang dedmahin nitong si Lolita Rodriguez, na kung matatandaan ng mga oldies out there na sikat na sikat ito noong 60s, at ayaw na ayaw talagang magpa-interview na akala mo ay matutunaw kapag nadaanan ng kamera. Dahil kaya ito sa puting-puti na niyang buhok? Hmmm…
Buti pa itong katunggali niya sa kasikataan noon na si Marlene Dauden na busy sa lumpiang Shanghai na in-export pa. Bongga, ‘di ba?
At ang pinakanakakabaliw na chikkang nasagap ng ating parazzi girl ay tungkol dito sa tatay ng magaling na actor na si Ricky Davao. Diumano’y nagpapaalam na raw itong si Charlie Davao sa mga kaibigan dahil sa malubha niyang sakit at narinig pa raw ng ating parazzi girl na sanhi ito sakit na kanser.
Kung totoo man ang balitang ito, ikinalulungkot ko ang kaganapang iyon. Ngunit ‘wag siyang mawalan ng pag-asa at magpakatatag lamang.
Ano kaya ang masasabi ng kanyang mga anak? Hmmmm…
AT NAIS KO sanang hingin ang pagkakataong ito na batiin ang aking butihing kaibigan na si Mr. Wilson Ong at ang kanyang anak niyang si Mr. Kenneth Ong sa matagumpay nilang Century Chemicals Corporation at pasalamatan
sa walang sawang pagbibigay ng Wipe Out Dirt and Stain Remover at Guardian Ethyl Alcohol na tiyak patay ang 99.9 % of germs. Maraming Salamat!
BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong beteranong actor ngayon na hindi na maaninagan ng spotlight dahil wala nang career?
Eh, ano ba ang tunay na dahilan kung bakit siya nawala sa eksena? Hindi kaya dahil sa paglalasing at non-stop partying ang drama ng buhay niya ngayon kaya nakalimutan na ang career? Hmmm…
Madalas daw kasi itong naiispatan sa mga gimikan sa Timog na lasing na lasing at halos wala na sa sarili. Ano kaya ang
problema nitong actor na ito? Ano sa tingin n’yo?
Itanong kaya natin sa asawa niyang mahilig maglaro ng yoyo. Ha-ha! ‘Yun na!
AT NAIS KO kayong anyayahan na maki-chikka sa amin online. Hanapin lamang ang PARAZZI LIVE sa http://www.flippish.com.
At huwag n’yo pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa [email protected]. Maraming salamat po and God bless us all!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding