Watched the film “Ang Babaeng Humayo” last weekend sa Gateway Cineplex. Like ko ang paghabi ng kuwento ni Lav Diaz. Simple. Madaling maintindihan.
Magaling pa rin si Charo Santos. Hindi siya kinalawang sa tagal ng panahon nang hindi niya pag-arte sa harap ng kamera.
Unang pelikula na mahaba (almost apat na oras) in black & white na hindi ako nainip, nag-walk-out at na-hold ang interest ko, na ang scoring (background music), parang black and white din tulad ng buhay ni Horacia (played by Charo) at ang karakter ni John Lloyd Cruz na gumaganap sa karakter naman ni si Hollandia na magaling pa rin ang aktor.
Gusto ko ‘yong eksena nina Horacia at Hollandia na nagkukuwentuhan sila ng kanilang mga buhay habang nag-iinuman.
Statement para sa akin ang eksena ni Lloydie kung saan dinukot niya ang kanyang ari na inayos sa pagkaipit at nag-lipstick. Tahimik na eksena na may gustong itawid na mensahe sa pulis na nasa harapan niya.
Tahimik ang pelikula. Maging ang pagtatapos ng pelikula, hindi ko ini-expect na ganu’n ang ending ng kuwento ng pelikula.
Surreal. Kakaiba, pero madaling maintindihan ang kuwento.
Ngayon, naiintidihan ko na kung bakit ganu’n kahaba ang kuwento ng buhay ni Horacia na sinahugan pa ng mga pangarap ni Hollandia at ng mga karakter nina Noni Buencamino (bilang si Kuba) sa pelikulang “Ang Babaeng Humayo”.
Pang-kondisyon ‘yun sa pagtatapos ng kuwento.
Congrats Cinema One, Sine Olivia, Star Cinema, at Miss Charo Santos at sa buong cast ng pelikula.
Reyted K
By RK VillaCorta