Iba ang marketing ng ABS-CBN para kay Ms. Charo Santos at sa kanyang “MMK” drama anthology na napanonood natin every Saturday evening. Naka-25 years na pala ang show.
Sabi ng regular “MMK” viewers na halos weekly ay nakatutok sa show ni Miss Charo Santos, ang ganda ng mga istorya na isinasa-telebisyon nila. Madrama pero maraming aral na kapupulutan.
Sa katunayan, nag-effort pa ang produksyon para sa selebrasyon ng ika-25 taon ng MMK. Dumayo pa si Ms. Charo sa Barelona, Spain at recently sa Hong Kong para personal na ma-meet ang fans ng drama anthology para pasalamatan at mapakinggan ang mga kuwento ng mga buhay nila na siyang nagbuo ng beinte-singko drama at inspirasyon na naidudulot ng palabas sa manonood.
Sa katunayan, hindi man namin napanood sa telebisyon ang “MMK”, napakikinggan naman namin sa DZMM na AM radio station ng ABS-CBN ang MMK (radio version) na ewan ko kung halaw sa mga kuwento na naipalabas sa tebisyon.
Kasabay ng selebrasyon ng “MMK @ 25” ay ang pagbuo ng CD na pinamagatang “Life Songs with Charo Santos” na commemoration album na mabibili sa record stores sa halagang P350.
Personal choice ni Ms. Charo ang nilalaman ng album na produced ng Star Music.
Personally, gusto ko ang “Handog” ni Florante na binigyan nina Aiza Seguerra at Noel Cabangon ng sarili nilang interpretasyon.
Sorpresa na isa sa mga awitin na nakapaloob sa album ay ang trio nina Ms. Charon, Piolo Pascual, at ang apo niyang si Julia Concio ng awiting “Sana”.
I also love Piolo Pascual’s version of “She’s Always a Woman”.
Bukod sa performers and singers na nabanggit namin, kasama rin sina Sharon Cuneta, Lea Salonga, Charice, and KZ Tandingan (I love her sing live ng “Piece by Piece” na kasama sa album).
Actually all-star cast ang mga artists na kasali sa album with the likes of Gary Valenciano, Martin Nievera, Jona, and Kyla, Juris. at marami pang iba.
Reyted K
By RK VillaCorta