HOW TRUE NA nagsisisi raw si Charo Santos, President ng ABS-CBN sa pagkakamali nito sa pagpirma ng kontrata ni Willie Revillame?
Ayon sa isang insider, sa kontrata ni Willie, ang controversial host ng Wowowee, halos lahat ng income from commercials, casual plugs, portion buys at kung anu-anong racket sa TV show ay napupunta raw sa host at hindi sa network in lieu of a talent fee.
Ito raw ang isa sa mga terms ng contract ni Willie. Ang airtime raw ay halos libre na.
Dahil sa pagkakamaling ito, milyun-milyong piso in ad revenues ang nawawala sa ABS CBN at napupunta kay Willie.
Ang isang 30 second ad ay aabot ng P250,000 per spot. Kung magtitiyaga kang bilanging ang bawat ad sa show na tumatakbo ng higit-kumulang na talong oras, aabot ang commercial income nito per day ng halos P10 M, isang conservative estimate dahil lampas-lampas sa regulated commercial time ang pag-ere ng ads sa show.
Idagdag pa rito ang mga bayad sa portion buys, kung tawagin, ang mga sponsors ng ridiculous games na ginagawa sa show, mas tataas pa ang income ni Willie bawa’t araw.
Kaya-kayang daw ni Willie na magbayad nang cash sa mga properties at kotse na nababalitang binibili niya tulad ng Porsche, BMW, malapalasyong bahay sa Corinthian Hills, ang katabing lupa nito, isang malapalasyo ring bahay sa Tagaytay at isa pang resort sa Tagaytay rin. Hindi pa diyan kasama ang building na kanyang pinapatayo.
At hindi raw totoo na pera ni Vice President Noli de Castro ang ginagastos ni Willie sa mga properties na pinamimili nito. Hindi raw kailangan ni Willie ang pera ng ibang tao dahil mapera na siya.
For Willie raw, hindi affected ang income niya maski suspended siya sa show. Kaya’t lose-lose ang ABS CBN sa situation. Yumayaman pa rin si Revillame maski wala siya sa show ngayon.
Ito marahil ang dahilan kung bakit tila hindi nababagabag ang TV host sa mga naglabasang kaso sa kanya at mga protesta sa kanyang pagho-host dahil hindi naman siya affected financially. Kaya pala palaban ang stance nito.
Ang kaganapang ito raw ang isa sa napakalaking sakit ng ulo ng network, na ngayon ay sapin-sapin ang kaso mula sa MTRCB kaugnay sa diumanong pag-disrespect ni Willie sa dating Pangulong Cory Aquino.
Kung hindi lang daw sa kontrata, walang kurap-mata na tsugi na sa Dos si Willie. Malaki nga naman ang utang na loob ng network sa mga Aquino. Ibinalik ni Pres. Cory ang ABS-CBN sa pamilyang Lopez nang siya ay naupo sa pwesto.
by Nini Valera