Isang entertainment media get-together dinner ang naganap sa maulang Saturday evening sa bahay ng dating Ilocos Sur Governor and now a councillor sa bayan ng Narvacan na si Manong Chavit Singson.
Si Manong Chavit kasi ang punong-abala sa Miss Universe 2017 na ‘pag nagkataon, dito sa Pilipinas gagawin.
So far 80% na go na go na or sa tuwirang salita ay matutuloy na ang beauty contest, kung saan ayon kay Manong ay makatatulong sa tourismo sa bansa.
Balita naming gagastos ng almost 12 million US dollars ang mga tao sa likod ng Miss Universe in case na matutuloy na ito sa Pilipinas next year.
Is it ture na ang budget na magagastos sa Miss Universe ay sagot na ni Manong Chavit ang US$6 million na kalahati sa magagastos?
As of this writing, hindi pa talaga 100% sure, pero with the percentage na halos tuloy na tuloy na ay naghahanda na si Manong Chavit kung saka-sakali.
May mga bagong luxry buses na in-order sa ibang bansa si Manong Chavit na gagamitin ng beauty contestants sa paglilibot nila sa iba’t ibang tourist spots sa ‘Pinas as part of the tourism promotion.
Para kay former Gov. Chavit, “Bago mag-election, marami nang nilapitan ang Miss Universe, kaso walang tumatanggap dahil sa 12 million dollars ang gastos diyan. Nu’ng ako na’ng kinausap, nakita ko maganda ang effect nito sa tourism natin dahil ‘pag maraming turista, maraming oportunidad para sa Pilipinas.”
Panigurado ni Manong Chavit na walang gagastusin ang gobyuerno natin sa magaganap na Miss Universe sa bansa next year kung maaaprubahan.
“All out naman ang support ni President Duterte as long na hindi tayo gagastos (na mula sa budget ng gobyerno) at lahat ay manggagaling sa private sectors at sponsors.”
As of this writing, kahit wala pa talagang pormal na pagpayag ni Presdient Duterte na rito sa bansa gagawin ang 2017 Miss Universe, nagsisimula na ang grupo ni Manong Chavit sa pagkilos, lalo na ang pangangalap nila ng fundings mula sa private sectors.
Ayon sa pagbabalita ni Manong Chavit, nilapitan na niya sina Tonyboy Conjuangco at Henry Sy (of SM) na pumayag na susuporta at ipagamit ang Mall of Asia (MOA) sa mga events. Magandang senyales na ito para go na go na ang 2017 Miss Universe sa Pilipinas.
Reyted K
By RK VillaCorta