EXCITED NA ang karamihan sa nalalapit na UAAP Cheerdance Competition na gaganapin sa October 3 at marami na ang naghihintay sa pag-release ng ticket nito, kung saan ang iba ay nag-o-overnight pa para makabili ng ticket para sa Cheerdance. Talagang nakae-excite ang event na ito at ubusan ang ticket sa dami ng mga gustong manood na madalas ay napupuno ang MOA Arena o Araneta Colliseum. Siyempre nandoon sila upang mag-enjoy sa ipakikitang galing sa cheerdance at suportahan ang kani-kanilang unibersidad o pambato sa cheerdance competition. Iwasan nating bumili sa mga scalpers na tila bibili ng ticket at ibebenta sa mataas na presyo, dahil in demand talaga ang cheerdance competition. Ito ay meron din live telecast sa TV.
Ang UAAP Cheerdance Competition ay one-day event na kada season ng UAAP ay ginaganap. Alam mo ba na ang 2008 Samsung UAAP Cheerdance Competition ang most attended UAAP event na may record-breaking na 23,443 paying audience? 23,443 na katao na galing sa iba’t ibang Unibersidad at iba pa, para suportahan at matunghayan ang mga ipakikitang galing ng pep squad ng bawat unibersidad. Ma-break kaya ang record na iyon ngayong 2015 sa cheerdance kaya o sa finals ng basketball.
Alam mo ba ang pinakamaraming title sa larangan ng UAAP cheerdance ay ang UP na may 19 titles, 8 championship title, 6 na 1st runner-up, at 5 2nd runner-up? Sumunod ang UST na kapareho ng record o dami ng championship title sa Cheerdance competition na meron ding 8 championship title, 4 na pagiging 1st runner-up, at 3 nag-finish sa 2nd runner-up with at total title of 15; at ang pumapangatlo ay ang FEU with a total of 14 title, 2 championship title, 3 1st runner-up at 9 na beses na 2nd runner-up.
Kung sa basketball ay may rivalry tulad ng batle of the east, ang UE at FEU, at Ateneo-La Salle rivalry, sa cheerdance ay meron din tulad ng UP-UST rivalry. Ang UST Salinggawi Dance troupe ay nanalo ng 3 beses sunud-sunod sa first three years ng competition na ito at sila rin ang nakapagtala ng longest winning streak na 5 consecutive wins mula 2002 hanggang 2006. Nu’ng 2001 naman ay ang UP ang bumawi sa titulo ng UST at nu’ng 2007 ay binasag ng UP ang winning streak ng UST. Ang rivalry na ito ay nagsimula nu’ng 1999 pa pero itong rivalry na ito ay friendly rivalry naman.
May isa pa kayang rivalry ang mamuo? tulad ng NU at UP na last season ay back to back champion ang NU Pep Squad at sila din ang bumasag sa 3 consecutive win ng UP mula 2010-2012at nung 2013 at 2014 naging 1st runner-up ang UP at champion naman ang NU. Alam mo ba nu’ng 2013, ito ang first championship title ng NU Pep Squad? At nu’ng 2014 ay back to back champion sila.
Ngayong season na ito ay may order of performance na kung saan una ang UP, susunod ang DLSU, ADMU, NU, UE, ADU, FEU, at last but not the least, UST. Ma-defend kaya ng NU ang kanilang title para sa kanilang 3rd championship title o masungkit ng iba? Sino kaya ang tatanghaling champion sa UAAP Season 78 Cheerdance Competition?
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo