Ayon sa Starstruck 7 Council na si Cherie Gil, hindi siya basta-basta nagpapatawag na tita sa mga baguhang artista na feeling close sa kanya lalo na sa Starstruck hopefuls na kakikilala lang niya.
“Para sa akin kasi, kokonti lang ang puwedeng tumawag sa akin na Tita. Yung mga kilala ko.
“I uphold the term tita to those who really deserve the term tita like my nephews, nieces, and kids who I saw grow up, family friend.
“Hindi pa nga nagpapakilala sa akin, Tita na agad ang tawag. Ayoko na ng ganoon, di ba? Just because you appeared on TV, I’m supposed to know you?” katwiran pa niya.
May insidente rin daw na kinonfront niya ang isang baguhang artista na tumawag sa kanya ng tita.
Sabi ni Cherie, “Pero hindi naman lecture. ‘Pamangkin ba kita?’But I do it in a way na joking lang. They don’t really get offended naman.
“Madami ‘yan, mga assistant director, ‘Tita, dito po kayo.’ ‘Ah, excuse me, kailan ba kita naging pamangkin?’”
Hindi rin bet ni Cherie ang ginagawang paghalik sa kanya ng ibang artista bilang sign ng pagbati.
Babala niya, “Never ever kiss me in greeting, out of so called politeness and courtesy, if I don’t know who the hell you are. Introduce yourself first.Yung beso nila, di ba, may nagbebeso sa noo, ilong? Huwag na lang magbeso. I’ve already said it many times, don’t kiss if you don’t do it naturally,” diin pa ng aktres.
Kasama ni Cherie Gil bilang Starstruck 7 Council sina Heart Evangelista at Jose Manalo. Magsisimula na ang airing ng Starstruck 7 sa June 15 sa GMA-7.
The original artista search is hosted by Dingdong Dantes and Jennylyn Mercado.
La Boka
by Leo Bukas