Aminado ang premyadong aktres na si Cherry Pie Picache na excited siya sa bagong proyektong “Buwan at Baril sa Eb Major”. Ito kasi ang kanyang pagbabalik sa teatro after more than ten years.
Mula sa panulat ni Chris Millado at sa direksiyon ni Andoy Ranay, ito ang unang handog ng Sugid Productions. Ang militanteng stage play na ito na unang ipinalabas sa PETA noong 1985 ay nagsimula na last January 26 at mapanonood hanggang February 12 sa Ambassador Alfonso T. Yuchengco Auditorium sa Bantayog ng mga Bayani Center.
Kasama rin sa cast sina JC Santos, Jackie Lou Blanco, Angeli Bayani, Ross Pesigan, Crispin Pineda, Danny Mandia, Reymund Domingo, at iba pa.
Paano niya ide-describe ang play na ito?
Sagot ng award-winning aktres, “Unang-una I’m excited kasi bumalik ulit ako sa paggawa ng play. Kasi ang tagal-tagal kong gumagawa ng mga pelikula, ng mga TV shows, so I’m back doing play. It’s a whole new process, it’s a whole new challenge sa craft ko, masaya ako roon.
“Pangalawa, I’m thankful na sa ganitong proyekto ako napasali, kasi makabuluhan siya. Katulad ng sinabi namin kanina, ‘di ba? In my own little way, I would like to bring the… kasi tumatanda ka na, I mean the value. I’ve been in the industry for a long time, so you would want to bring some sense into the work that you’re doing, in my own little way,” ani Cherry Pie na gumaganap dito bilang asawa na kinukuha ang bangkay ng pinaslang na rebeldeng mister.
Dagdag pa ng aktres, “Sa palagay ko, ‘eto ‘yung paraaan to remind people, na ayun nga, ‘yung democracy na ine-enjoy natin ngayon, ‘yung freedom, especially with all these happenings, hindi naman kailangan na kampi-kampi, ‘di ba? Hindi ka naman for ganito, for ganyan, d’i ba? It’s just that you’re concerned as a citizen for the society, ‘di ba? Na you want to enjoy the freedom that you have, you want to enjoy the democracy that you have, you want to give importance to human rights, to the lives of people, ‘di ba?
“Kaya masaya ako, masaya ako na nakapag-play na nga ako ulit, after more than a decade.”
Ano po ‘yung last play ninyo bago itong “Buwan at Baril sa Eb Major”?
“Sa UP, dulaang UP iyong ‘Supremo’, ‘Noli Me tangere’… where I was also fortunate enough to work with ‘yung talagang theater pillars. Nakami-miss sila Tatay Ray Ventura, Direk Ogie Juliano, ‘yung mga ganoon.”
Challenge rin daw sa kanya ang gumawa ng 25 minute na monologue sa play.
“So parang 25-minute monologue iyon, ang hirap-hirap ng piyesa. So sabi ko nga, ‘eto ba yung balik ko, ang hirap kaagad? Pero it’s a challenge, eh ‘yun naman talaga – the stage is an actor’s medium. So, na-enjoy ko ‘yung craft ko lalo, kasi iba ‘yung proseso, ‘you need to memorize to do it.”
Ang play ay may limang act, ‘Manggagawa at Magsasaka’, ‘Ang Pari at Babaeng Itawis’, ‘Ang Socialite’, ‘Asawa’, at ‘Police Officer at Estudyante’, na magpapakita kung ano at paano naapektuhan ng Martial Law ang buhay ng iba’t ibang tao.
Ang kumpletong schedule ng mga pagtatanghal ay ang mga sumusunod: January 26, 27, 28, 29 (3pm and 8 pm), February 2, 3, 4, 5, 9, 10, 11, 12 (3 pm and 8 pm). Magkakaroon din ng Special Gala sa February 3, 8 pm. Ang pondong malilikom sa mga pagtatanghal ay gagamitin para dalhin ang play na ito sa kolehiyo, pamantasan, at local government units sa Metro Manila at mga lalawigan. For ticket inquiries, please call or text Gian Viatka at 09178456200.
Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio