MARAMI ANG na-touch sa naging panayam ay Cherry Pie Picache sa The Buzz last Sunday. Bakas pa rin sa actress ang sakit na sinapit na pagkamatay ng kanyang ina sa kamay ng naging katulong sa bahay nito.
Habang umiiyak ay naipaliwanag pa rin ni Cherry Pie kung bakit mag-isa sa bahay ang kanyang ina. Sa dami kasi ng nagtatanong, kahit sa social media ay ito ang itinatanong kung bakit mag-isang naninirahan ang kanyang ina.
“My mom is a strong 75 years old woman. Malakas siya in the sense na nakapagmamaneho pa siya. She chooses to drive,nagbo-ballroom pa ‘yun, very independent, you know. She reared us up, the four of us, alone, very dynamic. Saka, self-made ang Mommy ko,” say ni Cherry Pie.
Apat daw silang magkakapatid at lahat sila ay halinhinan sa pagkumbinsi sa ina na ibenta na ‘yung bahay sa Scout area at mamili na lang kung kanino titira sa kanilang magkakapatid or kaya raw ay mag-condo para mas safe.
“Ayaw niyang sinasabi ng tao na nakadepende siya sa akin, kasi artista ako, ako ang nag-aano, ayaw niya ng ganoon. So, independent siya,” she said.
Duplex daw ang bahay nila sa Scout area at may tenant daw sa katabi.
“So, inaasikaso niya ‘yun. ‘Yung kaligayahan niya na may silbi ako, may nagagawa ako, may silbi ako, so, ibibigay mo na ‘yun.”
Lagi nga raw nilang napapagalitan ang ina dahil ang tigas ng ulo.
Ayon pa kay Cherry Pie, gusto niyang i-push na magkaroon tayo ng 911 hotline tulad sa Tate para sa mga emergency cases tulad ng nangyari sa kanyang ina.
“When it happened, when I got to our place, wala tayong 911, ‘yung emergency number that any citizen can call and there is an immediate response. Nu’ng mangyari ‘yun sa mama ko, there were testimonies also na the night before or ‘yung madaling-araw, there were commotions na naririnig sa bahay namin. But of course, umuulan nu’n, ang tao alam na maraming kasamaan sa paligid so, siguro hesitant.
“But if you have an emergency numberthat you can just call na, “Teka po mayroon kaming naririnig sa kabilang kanto, paki-chech nga. They don’t even have to go out. The authority, we need that. Kahit mag-uumpisa muna locally, pero ‘yung immediate response na may makauusap, may responde, we need an emergency number,” say pa ni Cherry Pie.
Well, sana nga matupad ang wish ni Cherry Pie at sana kapag nagkaroon nga nito sa ating bansa ay may umaksyon naman kaagad sa kabilang linya.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo