NANG IPALABAS sa Cinemalaya (2008) ang indie film na Boses ni Direk Ellen Ongkeko-Mafil, umani ito ng papuri at nanalo ng major awards sa iba’t ibang award-giving bodies. Nagkaroon Din ng promotional tour ang nasabing independent film in London, Riverside Theater, Mindanao, Iloilo and Davao. This July 31, opening at SM cinemas nationwide. All support naman ang ibinigay nina Cardinal Luis Antonio, actor Coco Martin, psychologist Margie Holmes and the Tactical Operation Group Philippine Air Force of the Eastern Mindanao Command as an advocacy tool for child rights and child protection.
Boses is a moving tale about rebirth and power of friendship. Isasalarawan ng pelikula, how a gifted boy (7 years old, Julian Duque) na hindi makapagsalita by unbearable circumstances, is given violin lessons by a reclusive musician (Coke Bolipata, first time actor and real-life violinists). In the process, the boy finds his voice while the musician-mentor regains his humanity.
After five years, personal naming nakausap si Julian, thirteen years old na siya ngayon, second year high school, UP. Nag-play ng violin ang young actor sa harap ng media ganu’n rin si Professor Coke. After their solo number, nag-back-to-back pa silang dalawa, playing the violin.
Inamin ni Julian, hindi siya nahirapang umarte noon dahil bata pa siya at saka walang dialogue. Puro facial reaction and body movement ang pinagawa sa kanya ni Direk Ellen. Kuwento niya, “Pero sabi ni Direk, mahirap umakting na mukha ko at mata lang ang gumagalaw. Hindi ko nga alam kung papano ko ginawa ‘yung role ko rito. Isang bata na inabuso ng kanyang daddy at napunta nga siya sa bahay-ampunan and then, na-meet niya si Sir Coke, naging mag-best friend sila.”
Scholar pala si Julian ni Professor Coke, ito mismo ang nag-rekomenda kay Direk Ellen for the role.
“Ang family namin mahilig sa music, ang daddy ko classical guitar, graduate sa UP Diliman. ‘Yung mga kapatid niya may sariling band sa America at Hong Kong. Mayroon din akong pinsang magaling tumugtog ng violin, estudyante rin ni Sir Coke. Marinig ko lang ‘yung song, natutugtog ko na sa violin. Sabi ng daddy ko, mahirap daw ‘yun gawin,” sambit nito.
Pagdating sa akting, nakaalalay naman sina Direk Ellen, Cherry Pie Picache at Ricky Davao kay Julian. Puring-puri nga ng actress ang batang si Julian, mabilis daw kasi ang pick-up nito at nakikinig sa sinasabi nila kaya’t hindi sila nahirapang paartehin in front of the camera kahit walang dialogue.
Say ni Julian, “Tinutulungan nila ako sa mga scene na hindi ko magawa. Kung minsan pa nga kapag may mga scene na ayaw kong gawin, tinutulungan ako ni Cherry Pie. Kung magtuluy-tuloy po ang pag-aartista ko, pangarap kong makapasok sa Hollywood. Sabi nila, mahirap pero susubukin ko, wala naman pong mawawala. Sabi sa akin, may next project daw ako. Gusto kong ituloy ang pag-aartista ko. Gusto kong makatrabaho si Daniel Padilla.”
Hindi na bago para kay Cherry Pie ang ganitong klaseng role, halos lahat yata ng papel sa pelikula at telebisyon ay nagampanan na niya. Ilang beses na rin siyang tinanghal na best actress sa indie dahil sa naiiba niyang pagganap. Pangarap din ni Cherry Pie na mag-produce ng indie film, if ever daw worth doing it. Kailangan, maganda ang material at naiiba ang istorya nito. Sa tulong ng mga kapwa niya artista and friends from showbiz, puwedeng mangyari ‘yun,maging producer siya ng indie film.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield