CHILDHOOD IDOL pala ni Nathalie Hart ang co-star niya sa Viva movie na Pak Boys na si Andrew E.
“I’m a big fan with… Oh my
“Napanood ko yung Humanap ka ng Pangit at Pink Palaka. I used to listen to that song all the time nung bata pa ako. Hay naku, I loved it. It was super cool when I was like, in high school and then its funny,” rebelasyon pa ng aktres.
Excited din si Nathalie na makatrabaho ang rapper-actor.
“I’m very excited to work with him. He is my idol. My brother loves him too. Ako, from everyone, siya talaga yung idol ko. I love his art. He’s amazing,” sambit pa niya.
Inintriga naman agad si Nathalie kay Andrew E. kung posible raw bang ma-in love ang aktres sa rapper-actor.
Napangiti lang si Nathalie. Sabay sabing, “May anak na ako.”
Teka, hindi ba siya takot makatrabaho ang dalawa pang komedyante sa Pak Boys na sina Dennis Padilla at Janno Gibbs na ang image ay matitinik sa chicks?
“No! I’m okay!” madiin niyang komento.
Hindi magpapaseksi si Nathalie sa Pak Boys.
Aniya, “Depende naman sa project yan. Kasi this is (Pak Boys) fun. This is comedy so, I really don’t have to do that.
“Siguro may sexy lang na cute,
Samantala, kasama rin sa Pak Boys sina Marissa Sanchez, Leo Martinez, Maui Taylor at Ana Roces. Ang pelikula ay ididirek ni Al Tantay at bahagi ng 34 films na ipoprodyus ng Viva Films ngayong 2020.