Chokoleit, nagnakaw ng pabango sa CR ng bahay ni Pokwang!

MATINDING PINAGTATALUNAN NGAYON ang “Kulo” exhibit sa CCP kung saan sa pagpapairal ng “freedom of expression” ay nalapastangan ang imahe ng Panginoon at ang mukha ni Hesukristo.

At ang latest, ipinatanggal na ito ng CCP, dahil hindi pa rin tanggap ng mga Sagrado Katoliko na “binababoy” ang imahe ng Diyos para lang mai-express ang thoughts o ang statement ng mga so-called “artists”.

Wala naman ang Panginoon dito para ipagtanggol niya ang Kanyang sarili, pero may mga tagasunod at sumasampalataya sa Kanya para Siya’y ipagtanggol at ipagbunyi ang Kanyang pangalan.

Kahit nga ang mukha ni Jose Rizal ay dungisan, parang hindi pa rin papayag ang mga nakararami. Kaya ‘wag na na-ting ipilit pa ang mali.

Gawa na lang tayo ng ibang proyektong nais iparating ang mensahe ng “freedom of expression” para rin hindi na natin malito pa ang kamalayan at kaisipan ng susunod na henerasyon tungkol sa paniniwala sa Diyos.

And after all nga naman, tama rin ang “Kulo” na ito, dahil lalo pa nitong pinagtibay ang pananampalataya ng mga tao sa Diyos.

HINDI NA KAMI magbabanggit pa ng pangalan. Sa twitter kasi, ilang pa-ngalan na ng mga aktor ang itinatanong sa amin kung bakla ba talaga ito, pero pinili naming ‘wag nang sagutin.

Katwiran namin, sino naman kami para husgahan ang mga taong binabanggit nila? Pangit din kung sasabihin naming, “Ah, oo. ‘Yun din ang nabalitaan ko!” dahil lumalabas na hindi rin namin napatunayan sa aming sarili.

Ba’t kaya hindi na lang nating hayaan na gano’n na lang? Kung totoo mang sila’y bading, hayaan na natin kung gusto nilang magtago sa kasinungali-ngan. Hindi rin naman natin maibibigay ‘yung kitang mawawala sa kanila ‘pag umamin sila, ‘di ba?

Siyempre, iniilusyon ng mga babae at bakla ‘yan, hayaan na lang nating gano’n. Kesa ipagdukdukan natin sa publiko na totoong bading sila eh, ‘yun ngang may katawan, hindi umaamin, ‘di ba?

Buhay nila ‘yon. Hindi naman sa mga matang mapanghusga nanggagaling ang ikinabubuhay nila, so sino tayo para pangunahan sila?

Mas naniniwala akong bading ‘yung mga hindi nga nanlalalaki, pero nambabastos ng babae, gagawa ng responsibilidad, tinatalikuran. Nakikipag-away kahit sa babae. ‘Yung mga gano’n ang bakla talaga.

Saka ‘yung mga lalaking nag-aakusa na bakla ang isang aktor at ipinipilit ni-lang bakla ito, pero naaasar sila, dahil nga ayaw ngang umamin. ‘Yung mga nagpipilit na paaminin ang isang tao, ‘yun ang bakla para sa amin.

Sa inyo, ano ang meaning ng “bakla”?

NAKAKALOKAH ANG AWAYAN nina Chokoleit at Pokwang sa Twitterworld. Juice ko, nabuko tuloy na nagnakaw ng pabango sa CR sa bagong bahay ni Pokwang itong si Chokoleit habang si Chokey naman ay may isyu ring inire-raise ke Pokwang.

Hindi mo naman talaga se-seryosohin ang awayan ng dalawang ito, dahil magkaibigan nga. Pero aliw lang talaga sila sa Twitter.

Samantalang ‘yung iba, sineseryoso ang mga tweets ng mga artista. At ‘yung ibang tweets nga ay dinadampot pa ng ibang reporter, tapos, mali pa ang pagkakaintindi sa tweets, kaya nahuhusgahan tuloy ang mga artista.

Kalokah!

NAKAKATUWA KAHAPON ANG Showtime dahil lahat ng mga hosts ay nakapambahay outfit lang. Kaya naman ang cool-cool ng dating, hindi mabigat. Walang pabonggahan sa pagdadamit. Na kahit ang kanilang audience ay makaka-relate talaga sa kanila.

Every week, iba-iba na ang nagiging gimik ng Showtime, lalo na ‘yung nagpapamigay sila ng kanilang mga personal na gamit sa audience, ang cute no’n.

‘Yung sapatos ngang mamahalin ni Vice Ganda, ipinaagaw din niya, pero isinoli rin sa kanya after the show, dahil wala namang makagagamit ng size 12, kaya ang ginawa ni Vice, itinrit na lang niya ang may 20 audience to a lunch.

“Nakakatuwa sila. Naramdaman ko ‘yung kasimplehan ng buhay nila, kaya ako ang taya sa lunch!”

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleRyan Agoncillo at Judy Ann Santos, mas gugustuhing normal ang paglaki ng mga anak
Next articleJC de Vera, naghahabol pa rin sa sosyo sa naluging bar?

No posts to display