SARADO NA ang Adober Studios, na dating kilala bilang Chicken Pork Adobo, isang YouTube multi-channel network ng ABS-CBN Corporation. Isa ito sa naging casualties sa desisyon ng 70 kongresista na huwag nang i-renew ang franchise ng ABS-CBN.
Kasama sa talents ng Adober Studioes ay si Christi Fider sa nawalan ng oportunidad dahil sa nangyari.
“Paano ba ako napunta sa Adobers? Funny story. I had a vlog last 2017 with Enrique Gil. Then a friend asked me if I’m a CPA (akala ko accountant, Chicken Pork Adobo pala). So I researched about it and nag-sign up ako sa website.
“One day, they emailed me and I got in. I was so happy kasi a lot of opportunities opened for me since then. “I had my first acting experience with Bakit Ka Single? Naging part ako ng prod team as a stylist and HMUA.
“I had an acting workshop with Ogie Diaz (twice) and Star Magic, but most importantly nagkaroon ako ng second family. I met my friends through Adober Studios, friends that I truly trust,” pagre-recall ni Christi.
Pinasalamatan din ng dalaga ang kompanya na nagbigay ng magagandang oportunidad sa kanya.
“Thank you so much Adobers for all the opportunities na naibigay ninyo sa akin. Thank you for the trust na naibigay niyo sa akin (yes pumasok ako ng Adobers less than 500 subscribers palang ako). Thank you for investing in me.
“I know hindi pa dito natatapos lahat. I believe na meron better plan para sa atin lahat. For now isang mahigpit na yakap para sa inyong lahat, para ating lahat. Mahal ko kayong lahat. Maraming salamat,” lahad pa niya.
Sa pagsasara ng Adober Studios ay susubukan ni Christi na pasukin naman ang mundo ng musika.
Christi is keeping herself busy now preparing for her launching. She is not keen on signing up with any multi-channel network for her Youtube channel as of the moment.
Ang single niyang Teka Teka Teka na ginawa at prinodyus ng award-winning songwriter na si Joven Tan para sa Star Music ay malapit na ring i-launch. Kung hindi magkakaroon ng aberya ay magiging available na sa lahat ng digital platforms ang Teka, Teka, Teka on August 28 or September 4, 2020.
May music video na rin ang kanta ni Christi na binigyan ng dance interpretation ng ilang Kapamilya stars at kumakalat na ito ngayon sa social media.