ISA MARAHIL sa magiging masaya sa natatamong success ng aktor na si Christian Bables ay ang ama niya na pumanaw noong bata siya dahil masaya siya at naa-achieve ng kanyang anak ang pangarap.
Yes, noong bata pa lang ang aktor (mga nasa elementary siguro) ay gusto na nito mag-perform. Malinaw na gusto ni Christian na maging artista na tulad ng marami, dumaan din sa paghihirap ang aktor bago niya naabot ang kasalukuyan niyang estado sa showbiz.
Sa private message niya sa amin during our short conversation ay inamin niya na naging mahirap para sa kanya ang early death ng ama na itinaguyod sila ng ina.
“Pero thankful din ako sa step dad ko na sinuportahan kami,” paglalahad ng aktor sa amin thru PM.
Kaya nga ngayon na bida na siya sa sarili niyang pelikula via Signal Rock na dinirek ni Chito Rono para sa Pista ng Pelikulang Pilipino na magaganap simula bukas August 15 to 21 ay mas kabado siya sa magiging reaksyon ng moviegoers sa pagso-solo niya, after the famous character niya as Barbs na bestie of Trisha sa pelikulang Die Beautiful ay mas nakilala siya bilang aktor after a few bit roles at mga supporting role sa pelikula.
Ang feeling niya: “Kabado. Sobrang kabado. I don’t know kung ano ang mangyayari sa akin after Signal Rock,” na distributed ng Regal Entertainment ang pelikula na kabibilangan din nina Mara Lopez, Daria Ramirez at Nanding Josef.
Bukas, Wednesday ang celebrity premiere ng Signal Rock na magaganap sa Trinoma Cinema. Ang pelikula ay Graded A din ng CEB.
Reyted K
By RK Villacorta