“Parang rollercoaster siya. Noong una masaya kasi akala ko sandali lang ang lockdown, ang nasa isip ko makakapag-pahinga po ako mula sa sunod-sunod na shootings and tapings. Noong nag- extend nang nag extend, nakaramdam na ako ng lungkot dahil hindi po ako nakauwi sa family ko sa Cavite.
“Naabutan po ako ng lockdown dito sa house ko sa QC with my driver and P.A. Pero habang tumatagal ang mga araw ng quarantine, ang dami kong na- realize, natutunan, at na-discover sa sarili at sa buhay. I also got the time to reconnect with my core,” lahad ni Christian sa aming exclusive interview.
Mabuti na lang daw talaga at hindi sila pinababayaan ng Diyos sa kabila ng nararanasang krisis.
“I am just so grateful to God na lahat kami ng pamilya ko ay nasa maganda at maayos na kalusugan. At ramdam ko na hindi ako nagkamaling ipagkatiwala kay God ang lahat dahil sobrang dami at laki parin ng mga blessings na ibinibigay Niya sa akin.
“Hindi man natupad ang inasahan kong plano para sa taon na ito, pinalitan Niya ito ng mas malalaking blessings,” pahayag pa niya.
Bukod sa pandemic ay aminado rin si Christian na malaki talaga ang naging epekto sa kanya ng pagsasara ng ABS-CBN.
“Sobra po akong nasasaktan para sa kumpanyang naging instrumento ni God para maging realidad ang mga pangarap ko,” reaksyon ng aktor. “Kasi sila yung mga taong unang nagpakita ng paghanga at pagtitiwala sa mga kaya kong gawin bilang isang aktor.
“Masakit pong makita na nawala sa kanila ang trabahong matagal nilang inalagaan at pinag-igihan. Masakit makita ang mga taong naging pamilya ko na, na nangangamba kung saan sila kukuha ng pangkabuhayan sa gitna ng pandemya.
“Nakakapanghinayang dahil dalawang shows na gagawin ko sa ABS-CBN ang na postponed, pero mas nadudurog ako para sa mga empleyado ng ABS-CBN. Pero naniniwala akong hindi sila pababayaan ni God,” wika pa niya.
Ano ba ang mga bagay na very grateful siya sa ABS-CBN?
“Bukod sa sila ang naglinang ng talento ko bilang isang aktor, sila ang isa sa mga unang sumugal sa akin. Sila ang unang nagbukas ng pintuan para sa akin, kaya ako nakarating sa kung ano man po ang kinalalagyan ko ngayon. Habangbuhay po akong magbabalik tanaw sa Kapamilya Network,” emosyunan na pagtatapos ni Christian.