Christian Bables hindi matanggihan ang gay role sa ‘Bekis On The Run’

Leo Bukas
HINAHANAP ni Christian Bables ang pag-arte na nakasanayan niyang gawin nung wala pang pandemic at hindi pa sarado ang ABS-CBN dahil sa isyu ng prangkisa. Simula kasi nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN at lumaganap ang covid-19 virus sa bansa ay natengga na sa paggawa ng pelikula ang aktor.
Christian Bables in Bekis on the Run

“Yung acting for me, kaya ko siya minahal kasi outlet ko yon. Para akong gutom, para akong uhaw kapag hindi po ako nakakaarte. So, nung one and a half years na nag-lockdown po tayo, walang mga acting project, medyo na-depress ako nang konti.

“Yung mga pelikula ko na nakahilera sa schedule ko po, lahat po ay na-postpone because of the pandemic,” kuwento ni Christian sa digital conferece ng pelikulang Bekis On The Run ng Viva Films kasama sina Sean de Guzman, Kylie Verzosa at Diego Loyzaga.

Ayon pa sa aktor, naisalba siya ng pagiging Your Face Sounds Familiar finalist dahil marami rin siyang na-discover sa sarili.
“God moves in mysterious ways. Ang galing ni God, ni-lead Niya ako towards Your Face Sounds Familiar. Na-discover ko na okey, masaya rin pala kumanta, mag-perform, sumayaw. Kaya ko rin pala. So, isa yun sa mga nagsalba sa akin, kumbaga,” pagtatapat pa niya.

Sa pelikulang Bekis On The Run ay muling sasabak sa gay role si Christian. Bagama’t nagpahayag na siya noon na magpapahinga na muna sa ganung klaseng role pero hindi raw niya puwedeng palampasin ang pagkakataon na makatrabaho si Direk Joel Lamangan kaya tinanggap niya ang proyekto.

“Napag-usapan namin before ng manager ko, si Tito Boy Abunda, na siguro, pahinga muna ako sa paggawa ng gay roles. Pero yung gay roles ang ayaw magpahinga sa akin. Parang gustung-gusto po nila ako,” sabay tawa ni Christian.

Dugtong ng award-winning actor, aktor, “Masaya na ma-handpick ng isang Joel Lamangan para sa kanyang pelikula. Sino po ako para tumanggi? That’s Direk Joel Lamangan. Kahit siguro ang role na ibigay niya sa akin ay ipis, gagawin ko po, ma-experience ko lang na makatrabaho si Direk Joel Lamangan.”

Tumatak ang pangalan ni Christian sa pagganap niya ng mga gay characters nina Barbs Cordero sa pelikulang Die Beautiful noong 2016 na nasundan naman ng role niya bilang si Samuel Panti sa 2019 hit comedy movie na The Panti Sisters.

Ipapalabas sa streaming platforms na ktx.ph, iWant TFC at Vivamax ang Bekis On The Run simula September 17.

Previous articleMaui Taylor game na game sa girl-to-girl kissing scene kay Rose Van Ginkel sa ‘69+1’
Next articleThings You Didn’t Know About Maui Taylor

No posts to display